^

Pang Movies

Glydel bilib sa akting ni Andrea

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Nami-miss ni Glydel Mercado ang bonding ng cast ng Lihim ni Anna­sandra lalo na ang anak-anakan niyang si Andrea Torres na halos matuyuan sa matitindi nilang eksena. Natutuwa siya kay Andrea dahil lumabas daw ang galing nito sa pag-arte. Naniniwala siyang may laban ang akting ni Andrea sa mga nagbibigay ng parangal sa TV. Lumabas daw kasi ang pagiging aktres ni Andrea sa kanilang series.

Lungkut-lungkutan man si Glydel sa ending ng kanyang series sa Kapuso, excited naman siya sa bagong project.

Habang wala pang work, super bonding muna si Glydel sa kanyang pamilya. Nagkaroon sila ng time para pumunta ng Baguio kung saan sila nagbakasyon saglit. Meron din siyang time ngayon sa kanyang business, at siyempre hindi nawawala ang kanyang paglalaro ng golf na pantanggal ng kanyang stress.

 

TV host, actor/director, at aktres ‘magkakaklase’ sa casino ni Robert de Niro!

Walang magawa sa pera ang isang TV host dahil gabi-gabi siyang naglalaro sa isang bagong bukas na casino. Mahilig mag-order ng sabaw ng sinigang na baboy ang TV host habang nag­lalaro sa casino. Pero ang nakakatawang part, talagang literal na sabaw lang ang kanyang order. Hindi niya pinalalagyan ng laman dahil wala raw siyang pambayad sa kanyang merienda.

Libangan din ng actor/director ang magbabad sa casino kapag wala siyang trabaho. In demand pa rin sa mga teleserye si actor/director dahil sa husay pa rin nito sa pag-arte. Kung sa shooting o taping, may cut off ang aktor dahil sa mga senior citizens, ganun din siya sa paglalaro sa casino na hanggang twelve midnight lang.

Classmate rin nila ang seksing comedienne sa pagpunta sa casino, pero solo lang kung maglaro ang aktres dahil mukhang break na sila ng kanyang bagets na nobyo. 

“Magkakaklase” ang tatlo sa bagong bukas na casino na visible ang mukha ni Robert de Niro.

vuukle comment

ANDREA

ANDREA TORRES

CASINO

DAHIL

GLYDEL

GLYDEL MERCADO

HABANG

KANYANG

NIRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with