^

Pang Movies

Raymart gustong pikutin ni Chynna

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Makaligtas kaya si Raymart Santiago sa pa­nunukso ni Chynna Ortaleza? Lahat ng paraan ay ginagawa na niya para mapikot ang actor na ngayon ay mukhang malaya na! Pero teka, ‘wag ninyong akalaing totoo ang intention ni Chynna dahil sa te­leserye lang nila itong Second Chances nagaganap!

Tila dehado si Jennylyn Mercado sa pamamaraan ni Chynna. Tipong nagkukunwari kasing ayaw niya sa actor. In real life kaya, ganito rin ang nararamdam ni Jennylyn kay Raymart? Marami ang boto na bagay silang dalawang maging totoong couple.

Well walang masama dahil pareho silang single, who knows?

Police officer na ngayon dating Star Magic baby na si Don Laurel pinagkakaguluhan pa sa Canada

May kuwento si Nap Alip na galing ng Canada. Nagbalik-bayan si katotong Nap kasama ang kanyang pamilya. Dumalaw daw si Beverly Vergel sa anak niyang si Tracy Vergel na dating member ng Star Magic pero may pamilya na sa Canada. Napakasimple raw ni Beverly, nag-bus lang papunta sa kanila. Long drive raw kasi ito mula sa tinitirahan.

Nasa Canada rin si Aurora Halili, dati ring Star Magic, at plain housewife ngayon ni Don Laurel sa Toronto Canada, police raw ang propesyon doon ng dating member ng Star Magic talent. Nagtataka lang ang mga taga-Canada kung bakit maraming nagpapa-picture kay Don sa trabaho niya bilang policeman. Naroon din sina Zeny Latre, Baby Jimenez at Jimmy Ocarizawa na dating mga entertainment writers.

Samantala ang Introvoys member naman na si Guillermo “Misa” III na naka-base sa Los Angeles California ay nag-release ng music video ng Habang may Buhay, aired sa MTV, MYX, at YouTube.

Ang bagong member ng group, ay poging guitarist na si Hans Iron Francisco, son of former actor-director Eric Francisco. Grandson siya ng dating writer-producer na si Ate Lita Santos na dating may title na Queen of Tears.

Grand fiesta ng Subic pinaghahandaan na

Mukang magiging masaya ang darating na grand fiesta ng Subic, Baliuag, Bulacan sa pamumuno ni Konsehal Mon Maglonzo bilang pangulo katuwang sina Konsehal Sherwin Magat Manuel, Neri San Juan, Carlos Dong Garcia, at Chairman Allan Bautista.

Magkakaroon ng beauty contest na tatawaging Miss Subic Baliuag 2015 at kokoronahan sa Pebrero 8 ang mapipiling mananalo. Magkakaroon din ng motorcade event.

Sa loob ng dalawampung taon, ngayon lang magdaraos ng masayang pagdiriwang. May balita pang maghahandog ng mga bisitang artista ang mabait na Mayor ng Baliuag na si Dra. Carolina Dellosa.              

vuukle comment

ATE LITA SANTOS

AURORA HALILI

BABY JIMENEZ

BALIUAG

BEVERLY VERGEL

CARLOS DONG GARCIA

DON LAUREL

STAR MAGIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with