^

Pang Movies

Dingdong at Marian nagmamadali sa honeymoon

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nag-post si Dingdong Dantes sa kanyang Instagram (IG) account ng copy ng pink ticket nila sa Vatican: “Our most precious ticket to date is this pink one, for we were blessed by the Pope himself during the regular “mass audience” with His Holiness #Dong­YanHoneymoon.”

Truly blessed ang bagong kasal dahil nasabay ang pagpunta nila sa Vatican na may audience si Pope Francis sa mga pilgrims na pumupunta roon.

From Italy, tumuloy na sa Madrid sina Dingdong at Marian Rivera for a five-day stay nila sa relatives ni Marian dahil ipinangako ng amang si Senyor Fran Alonso Gracia na imi-meet nila at ipakikilala si Dingdong sa kanila. From Spain, tutuloy ang mag-asawa sa Paris, ang final leg ng kanilang honeymoon bago sila bumalik sa Pilipinas by January 15. Kailangan nang makipag-meeting si Marian para sa bago niyang drama series sa GMA na dapat nang simulan para sa airing nila sa second quarter of the year. Ayon sa manager niyang si Rams David, iba naman ang concept ng story na tiyak na magugustuhan ng mga DongYan fans at ng susubaybay nito. Wala pa lamang complete cast ang soap na isinulat ni Suzette Doctolero.

Andrea magpapatakam uli sa mga kalalakihan

At least, maipakikita na ni Andrea Torres ang kanyang kaseksihan na labas sa kanyang pagiging si Annasandra sa afternoon prime na Ang Lihim Ni Annasandra. Tuloy na rin ang kanyang autograph signing ng FHM men’s magazine tomorrow, January 11, sa Robinson’s Galleria Movieworld. Dapat kasi before Christmas pa ito, right after ma-release ang copies ng men’s magazine, pero kinailangang nilang mag-advance tapings ng kanilang soap. Bukod dito, happy si Andrea dahil extended pa until February ang Ang Lihim Ni Annasandra kung saan katambal niya sina Mikael Daez at Pancho Magno sa direksyon ni Albert Langitan.

Ryzza Mae kilig na kilig kina Miguel at Bianca

None other than Ryzza Mae Dizon ang kilig na kilig sa tween love team na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali nang mag-guest sila sa The Ryzza Mae Show kung saan nagpasalamat sa success ng kanilang primetime soap na Once Upon A Kiss. Nakipagsabayan si Aleng Maliit sa pagsayaw nila at nakipag-rap kay Bianca na isa pala sa talent ng teen star na ngayon lamang niya ipinakita. Amazed na amazed naman si Ryzza kay Miguel na nagpakita ng husay sa pagma-ma­gic sa baraha.

Ngayong tanghali, makikisaya naman sina Miguel at Bianca sa mga student contestants sa Pinoy Henyo segment ng Eat Bulaga. At sa Tuesday, after ng kanilang taping, diretso sila sa Kapuso Night sa Kalibo, Aklan with Betong Sumaya para sa taunang Ati-Atihang Festival sa Kalibo Pastrana Park.

vuukle comment

ALBERT LANGITAN

ALENG MALIIT

ANDREA

ANDREA TORRES

ANG LIHIM NI ANNASANDRA

ATI-ATIHANG FESTIVAL

BIANCA

MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with