^

Pang Movies

Maricar, anak ni Joey Marquez ang bago?!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Mabilis na nag-deny si Maricar de Mesa na nakikipag-date na raw siya. Kelan lang ay nabalitang nakaka-date daw niya ay ang anak ni Joey Marquez na si Jeremy Marquez.

“Ay hindi naman true ‘yan. Makipag-date ako agad talaga? Eh ongoing pa ang annulment ko. Parang hindi naman tama ‘yon.

“Matagal ko nang kilala si Jeremy. We have common friends. Nagkakasama kami paminsan-minsan with our friends, but we are not dating.

“Nasabi ko sa sarili ko na hindi muna ako papasok sa isang relasyon unless tapos na itong pinagdaraanan ko.

“Ayokong magulo ang buhay ko kaya tsaka na ako papasok sa ganyan kapag tapos na itong lahat,” diin pa niya.

Nagpapasalamat nga si Maricar na sa pagpasok ng 2015 ay marami siyang trabahong natanggap. Pambawi raw ito sa hindi magandang nangyari sa pagsasama nila ng kanyang estranged husband na si Don Allado.

“I thank God na kung gaano kamiserable ang buhay ko noong kalagitnaan ng 2014, nabigyan naman ako ng magandang pagtatapos.

“Nakasama ako sa cast ng My Big Bossing sa Metro Manila Film Festival (MMFF) at nakasama ako sa bagong teleserye ng GMA-7 na Once Upon A Kiss.

“Nasabi ko nga na mahal pa rin talaga ako ni Lord. If He closes a door, He opens a window.

“Hindi man naayos ang pagsasama namin ni Don, nabiyayaan naman ako ng maraming trabaho,” ngiti pa niya.

Tungkol naman sa kanyang estranged husband, hindi nga raw sila nagtapos bilang magkaibigan at ang unang nag-give-up sa pagsasama nila ay si Don mismo dahil may ibang babae nga raw ito.

“I did my best to save our marriage. Seven years din ‘yon and it meant everything to me. ‘Yun pala, bale-wala sa kanya iyon.

“I was willing to sacrifice everything para lang maayos ang pagsasama namin. Pero siya itong umayaw na dahil nalaman ko na may ibang babae siya.

“He cannot deny it dahil kilala ko ‘yung girl and I have proof na puwede kong gamitin sa korte. Pero I said na ayusin na lang namin ng maayos ang paghihiwalay namin para walang ibang taong madadamay pa.

“Sinabi ko nga kay Don, ‘I will not get mad but I will get everything!” sabay tawa pa ni Maricar.

Maayos ngang napaghatian nila ang conjugal properties nila kasama na roon ang bahay at mga kotse. Hinihintay na lang ni Maricar ay ang maging certified single ulit siya para maka-move on na siya.

Boytoy tuyot ang Pasko, may alagang fashion designer biglang umayaw

Dinispatsya na nga ng isang kilalang bading na fashion designer ang kanyang boytoy model para sa isang bagong dyowa.

Nangyari ito bago mag-Pasko kaya super lungkot ang ex-dyowa nitong dancer dahil luhaan siya noong dumating ang Christmas dahil bigla na lang siyang binitawan ng fashion designer.

Ang balitang bagong kalukadidang ng fashion designer ay isang bagets na afam na nakilala niya sa isang trip niya abroad.

Ayon sa aming source ay nasa isang kilalang beach resort silang dalawa ngayon at doon nila sinalubong ang Bagong Taon with a big bang!

Dagdag pa ng aming source, dapat ay si boytoy ang kasama ni fashion designer sa beach resort na iyon. Planado na raw ang lahat bago pa man dumating ang December.

“Pero laking gulat na nga lang ni boytoy na ayaw na sa kanya ng bading. Sawa na raw siya rito kaya move on na raw sila.

“Kaya ang kawawang boytoy, two days before Christmas ay nag-impake na ng mga gamit at pinaalis na siya ni bakla sa bahay nito. Ayun bumalik ang pobre sa kanyang mga magulang dahil wala siyang ibang mapuntahan na.”

Hindi nga raw alam ng boytoy kung ano ang pagkukulang niya sa bading niyang dyowa. Lahat naman daw ng gusto nito ay ginagawa niya.

Sinabihan na siya ng mga kapwa models niya na gano’n talaga ang buhay ng isang boytoy. Kapag sawa na siyang paglaruan ay isasantabi na siya.

Para lang batang nagsawa sa paborito nitong laruan. Kapag nakakita na ng bago, ‘yun na ang gusto. Kaya sorry na lang sa dating laruan nito dahil hindi na siya papansinin.

Kaya super-relate na ang boytoy sa pelikulang Toy Story dahil pakiramdam niya ay siya ang character na si Woody na ipinagpalit ng bata para kay Buzz Lightyear dahil mas bago ito at masarap laruin.

Ashton Kutcher pinakasalan na si Mila Kunis

Malakas ang bulung-bulungan sa Hollywood na nagpakasal na ang live-in couple na sina Ashton Kutcher at Mila Kunis.

Sa pagpasok nga ng 2015, nag-post sa kanyang Facebook account si Ashton ng isang photo na kuha sa isang beach. Nakasulat sa buhangin ay ‘Happy New Year Love The Kutchers”.

Dito na nag-speculate ang mga nag-aabang sa dalawa na baka officially ay kasal na sila.

Though last year pa nga sila engaged, naunsiyame ang kanilang wedding plans nang mabuntis si Mila sa kanilang baby girl na si Wyatt. Pero in-assure ni Ashton na matutuloy din ang kanilang kasal ni Mila, pero wala siyang nabanggit na date.

Nagsimula ang secret love ng dalawa in 1998 noong una silang nagkasama sa TV series na That ‘70s Show. Inamin ni Mila noon na crush na niya si Ashton at kinabahan nga siya noong magkaroon sila ng kissing nito sa naturang comedy series na nagtapos noong 2006.

Ikinasal si Ashton kay Demi Moore noong 2005 pero officially divorced na sila noong 2013. Kaya doon na pumasok si Mila sa buhay niya ulit.

Pinuri ni Ashton si Mila sa kanyang interview sa show na Ellen: “The most amazing thing about having a baby is my partner, Mila. She’s the greatest mom—I can’t even! Like I go to work every day and I come home and she’s perfect. And it just seems like everything went amazing.

“And I know that something probably didn’t go amazing, but she never complains. It’s unbelievable. She’s incredible.”

vuukle comment

AKO

ASHTON

DAHIL

ISANG

KAYA

MARICAR

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with