^

Pang Movies

Reception ng royal wedding tiyak dadagsain!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Mama Salve, don’t forget our date today at ang early meeting natin sa parlor ni Bambbi Fuentes.

Si Bambbi at ang kanyang team ang official make up artist sa Ding­dong-Marian wedding.

Eh sila rin ang gusto namin ni Mama Salve na mag-make up sa amin kaya maghihintay kami na ma­tapos ang kanilang work. Alangan naman na ma­u­na pa kami na magpa-make up kesa sa bride ‘no

Manggagaling ang team ni Bambbi mula sa isang hotel sa Parañaque City at babalikan nila kami  ni Mama Salve sa kanilang beauty shop sa Timog, Quezon City.

Hindi naman siguro kami makakaramdam ng pressure dahil mabilis at mahusay sa make up ang team ni Bambbi.

Saka napakalapit lang ng shop nila sa Immaculate Conception Cathedral kaya abot na abot kami sa calltime na 2:28 pm.

Excited ako sa ipamimigay na souvenirs sa kasal nina Marian at Dingdong.

Kung anuman ‘yon, tiyak na collector’s item dahil pinag-isipan at pinag-aksayahan ng oras.

Mahilig si Marian sa butterfly. Ewan ko lang kung may kinalaman sa butterfly ang wedding souvenirs nila ni Ding­dong.

Holiday ngayon pero madalas na maraming tao sa Mall of Asia tuwing walang pasok.

Hindi ako magtataka kung maging triple ang crowd sa Mall of Asia complex dahil sa mga tao na mag-aabang sa pagdating nina Dingdong at Marian sa MOA Arena, ang venue ng kanilang wedding reception.

Hindi maiiwasan na dagsain ng fans ang MOA Arena dahil alam ng buong mundo na doon ang wedding reception ng mga bagong kasal.

Asawa ni Pip tagumpay ang launching movie

First movie ni Lynn Ynchausti-Cruz ang English Only, Please at ang movie producer na si Atty. Joji Alonso ang nagkumbinsi sa kanya na tanggapin ang role bilang nanay ni Jennylyn Mercado.

Hindi nagkamali ng desisyon ang loving wife ni Tirso Cruz 111 dahil pinag-uusapan ang kanyang ‘launching movie’ na humakot ng awards sa Metro Manila Film Festival 2014.

Maiksi pero memorable ang role ni Lynn sa English Only, Please. Nag-enjoy siya sa shooting ng pelikula dahil ginamit niya ang kanyang favorite o­range duster.

Mag-expect tayo na masusundan pa ang acting assignments ni Lynn na aktres na rin tulad ng kanyang mga kumare na sina Lorna Tolentino, Sandy Andolong at Amy Austria.

I’m sure, panonoorin nina LT at Sandy ang English Only, Please bilang suporta kay Lynn na puwedeng ma-nominate sa 2015 sa most promising new actress category ng sangkatutak na mga award-gi­ving body.

Hindi ko isinali si Amy sa mga manonood ng pelikula ni Lynn dahil nagbabakasyon pa siya sa New Zealand. Tapos na ang MMFF 2014 sa pagbabalik-Pilipinas ni Amy sa January 2015.

LT special guest ni Dingdong

Invited si Lorna Tolentino sa wedding ngayon nina Marian Rive­ra at Dingdong Dantes.

Nagpagawa na si LT ng damit na gagamitin niya sa wedding of the year.

Kasama din si LT sa personal list ng mga invited guest ni Dingdong dahil naging close sila nang magkasama sa isang teleserye ng GMA 7.

Malapit na malapit din si Dingdong kay Rudy Fernandez, ang mister ni LT. Natatandaan ko ang mga kuwento ni Daboy nang magkatrabaho sila ni Dingdong sa isang programa ng GMA 7 at ang pagpunta niya sa Cubao residence ng ‘mister’ ni Marian. Puring-puri ni Daboy ang ugali at professionalism ni Dingdong.

vuukle comment

AMY AUSTRIA

BAMBBI

DAHIL

DINGDONG

ENGLISH ONLY

LORNA TOLENTINO

MALL OF ASIA

MAMA SALVE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with