^

Pang Movies

Kathryn magpapahalik na kay Daniel!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Marami pang kakainin na bigas sina Jodi Sta. Maria at Angelica Panganiban bago mahigitan o mapantayan ang performance nina Eula Valdez at Jean Garcia sa classic teleserye na Pangako Sa ‘Yo. Sa remake kasi ng series, ang dalawang aktres na una naming nabanggit ang papapel sa role nina Eula at Jean at ipinakita ang eksena nilang nagsampalan at nagbabatuhan ng maaanghang na salita!

Isa ang Pangako sa ‘Yo na pasabog ng Kapamilya Network sa 2015. Ipinalabas ang TV plug nito sa Kapamilya Thank You Media Christmas Party na ginawa nu’ng Lunes sa Dolphy Theater.

Hindi na nga kinaya ng press ang buhok at make-up ng dala­wa, lalo pang nawindang ang huli dahil sa eksenang nagtatarayan sila, huh!

Eh, ang loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, puwede pa nilang malampasan ang kasikatan dahil sa series nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa. Ayon nga sa voice over ng plug, more mature daw ang performance ng teen love­team. Tutal, 18 na si Kath, puwede na siyang halikan ni Daniel!

Ang isa pang magbibida sa bagong prog­rama ng Dos ay si Alex Gonzaga. Siya ang gaganap bilang si Inday Bote na alam naman ng lahat na pinagbidahan ni Maricel Soriano sa movie. Tutal, sanay naman sa ngaragan na taping si Alex unlike her sister, Toni Gonzaga, kaya kering-keri niya ang hirap na sasalubungin niya.

Big time na rin sa Inday Bote si Kean Cipriano. Elevated na siya sa leading man. ‘Yun nga lang, tiyak na masasapawan siya ng isa pang leading man sa fantaserye na si Matteo Guidicelli na guwapung-guwapo ang dating sa plug, huh!

Finally, ipalalabas na rin next year ang comeback team up at pagbabalik sa Kapamilya nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa Flor de Liza. Mas bida nga lang ang dalawang female child stars na title roler, huh!

Mas na-excite kami sa first team up sa teleserye ng lovers na sina Maja Salvador at Gerald Anderson. Something new kasi ang story ng pagbibidahan nilang episode ng Give Love on Christmas, huh!

Anyway, bukod sa pagpapakita ng mga pasabog na shows sa 2015, na­ging bida talaga ang entertainment press sa Christmas party ng Dos. No less than Maestro Gerard Salonga at ang ABS CBN Philharmonic Orchestra ang tumugtog sa writers na napiling kumanta. Masaya ang naging resulta dahil first ‘yung ginawa na ‘yon ng ABS-CBN Corporate Communications.

Kung ang press ang big stars ng party, tanging si Judy Ann Santos lang ang pinakamalaking artistang present. Nagpa-game siya ng ginagawa niya sa Bet On Your Baby na binabasag ang piggy bank. Apat na reporters ang napiling sumali at glady, nakuha nila ang biggest prize na P20,000.00!

Thank you! Thank you, Kapamilya! Ang babait ninyo!

Atty. Persida Acosta hindi sinusukuan ang mga taong may kaso na nasa katwiran

Suportado ni Atty. Persida Acosta, ang Chief ng Public Attorney’s Office, ang kontrobersyal na First Class PMA cadet na si Aldrin Jeff Cudia. Ayon kay Atty. Persida, nasa Supreme Court na ang petisyon ng mga magulang ng kadete na hindi naka-graduate dahil sa bintang na pagsisinunga­ling na bawal sa regulasyon ng eskuwelahan.

Tatlong mosyon na ang inihain ng PAO Chief upang mabigyan ng mabilisang resolusyon ang kaso ng kadete. “Huwag naman nilang ipagkait sa bata ang pangarap niyang makapagtapos at makatulong sa pamilya!” rason ni Atty. Acosta sa get together niya sa press. Present si Cudia pati na ang ama’t ina niya.

Siyempre, komo may dating si Aldrin, inurirat siya ng press kung gusto ba niyang mag-artista. Tugon niya, “Gusto ko pong makapag-aral muli at magtrabaho. Hindi po pumapasok sa utak ko ‘yan!” katwiran ni Aldrin.

Nagpasalamat muli ang boss ng PAO sa entertainment press dahil napapansin din daw sila ng Korte Suprema. Sa ilang pagtitipon na isinagawa niya kasama ang press, natuklasan niya ang impluwensiya ng press tungkol naman sa isa pang hawak na kaso laban sa Suplicio Lines.

Ilan pa sa binubuno na kaso ng PAO ay ang tungkol sa kaso ni Bonita Baran. Kung hindi kami nagkakamali,  si Bonita ‘yung kasambahay na diumano ay binugbog ng amo niya. Bukod kay Bonita, may tinutulungan din siyang kaso sa Batangas at tungkol naman’yon sa dalawang JIL members na sina Leonila Café at Adelaida Fabricante.

Basta nasa katwiran, handang ipaglaban ni Atty. Acosta ang mga taong hindi nabibigyan ng katarungan!

vuukle comment

ACOSTA

ADELAIDA FABRICANTE

ALDRIN JEFF CUDIA

ALEX GONZAGA

ANGELICA PANGANIBAN

INDAY BOTE

NIYA

PERSIDA ACOSTA

PRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with