^

Pang Movies

Rufa Mae apat na beses inoperahan sa boobs

Ruel Mendoza - Pang-masa

MANILA, Philippines – Naka-recover na si Rufa Mae Quinto mula sa kanyang operasyon sa kanyang dibdib.

May nakitang cyst sa isang breast ng komedyante kaya nag-lie low muna ito sa showbiz para pag­handaan ang kanyang operasyon.

Marami ang naka-miss kay Rufa Mae at ngayon ay nagbabalik siya at kasama siya sa pelikulang My Big Bossing na isa sa official entries ng Metro Manila Film Festival 2014.

“Nagkaroon ako ng cyst sa breast kaya nagpahinga muna ako ng ilang buwan.

“A year before that, I was in pain, ‘tapos naopera. In six months, mga four times, pero ngayon healed na ako.

“But then, siyempre, hindi ako puwede… kapag ganitong maginaw, may kirut-kirot pa rin,” sey pa niya.

Nabanggit rin niya na may non-showbiz guy  siyang dine-date ngayon. Ito raw ang kanyang source of strength ngayon.

“Seven months na kaming dating. Inalagaan niya ako, no’ng masakit na masakit na at kailangan ko nang operahan.

“Nando’n siya all the way. Tapos gumaling na ako. Parang thank you at may taong nagbantay sa akin.”

Ayaw pang i-confirm ng komedyante kung sila na ba ng non-showbiz guy na ito.

“Kasi hindi pa kami nakakapag-usap nang seryoso. Kumbaga, hindi pa kami nag-usap na, ‘Are we, aren’t we?’ Eh, magbarkada na kami, matagal na.

“So parang MU (mutual admiration), kaya friends-friends and all.”

Ayon pa kay Rufa Mae, isang businessman ito at nasa early 30’s ang edad nito.

Dahil magaling na, nakabalik na sa pag-taping si Rufa Mae ng Bubble Gang sa GMA-7.

Nang-agaw ng lalaki, hindi makalapit sa inagawan

Nagkuwento ang aming source na nagkasabay na dumating sa isang company Christmas party ang dalawang female celebrities na ito na naugnay sa iisang lalake.

Parehong invited ang dalawang female celebrities at nagkagulatan pa raw sila noong halos sabay silang pumasok ng venue.

Sey ng aming source na hindi naman daw friends ang dalawa kaya inaasahan niyang deded­ma ang dalawang ito sa isa’t isa.

“Pero in fairness kay Female Celebrity A (FCA), nag-smile siya kay Female Celebrity B (FCB). Inakala ko na si FCA ang dededma dahil siya itong inagawan ng lalake. Pero shocked ako na si FCB pa ang dumedma. Kaya parang napahiya si FCA sa inasal na iyon ni FCB kahit na ito ang may kasalanan sa kanya.”

Sa naturang party ay nakikipag-mingle si FCA sa mga bisita samantalang si FCB ay nasa loob lang ng isang kuwarto at naghintay na lang na tawagin siya para mag-perform.

“Nagpapakasupladita ang FCB. Siyempre, mas senior si FCA sa kanya kaya wait lang siya para mag-perform. Mauna muna si FCA.

“Eh si FCA super chika sa mga tao roon at game makipag-selfie. Eh si FCB nagmumukmok sa loob ng kuwarto kasama ang alalay niya.

“Puwede naman siyang lumabas at chumika pero feeling ko awkward ang feeling niya dahil nandoon si FCA na inagawan nga niya ng lalake,” pagtatapos pa ng source namin.

Beyoncé at Sam pinakamaraming nominasyon sa 2015 Grammy

Ang British soul-pop artist na si Sam Smith at ang R&B star na si Beyonce Knowles ang nanguna sa nominations ng 2015 Grammy Awards.

Parehong nakakuha ng tig-limang nominations si Smith at Beyonce.

Nakuha nga ni Smith ang nominations for Record of the Year, Song of the Year, Best Pop Vocal Album, Best Pop Solo Performance, at Best New Artist para sa hit single niyang Stay With Me.

Samantalang si Beyonce ay nakakuha ng nominations for Best R&B Performance, Best R&B Song, at Best Urban Contemporary Album.

Nakakuha naman ng tatlong nominations si Taylor Swift para sa hit single niyag Shake It Off. Nakuha nito ang nomination for Record of the Year, Song of the Year and Best Pop Solo Performance.

Nakakuha rin ng nominations ang ibang artists tulad nila Iggy Azalea, Ariana Grande, Pharrell Williams, Sia, Meghan Trainor, Miley Cyrus, Katy Perry, Coldplay, John Legend, Chris Brown, Ed Sheeran, Miranda Lambert, Eric Church, Annie Lennox, Barry Manilow, at Barbra Streisand.

Magaganap sa February 8, 2015 ang Grammy Awards sa Los Angeles.

Happy anniversary PM

Happy Anniversary PM (PANG MASA)! 11 years na pala na naghahatid ng mga maiinit na balita ang pahayagan na ito.

Nawa’y tumagal pa ng labing-isang taon pa ang PM para tuluy-tuloy ang mga kaabang-abang na mga balita!

vuukle comment

AKO

ANG BRITISH

ANNIE LENNOX

BEST R

FCA

GRAMMY AWARDS

RECORD OF THE YEAR

RUFA MAE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with