^

Pang Movies

Isabelle de Leon matagal bago nag-decide na maligo

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Natawa kami sa mga medyo off beat na comedy noong Diary ng Hindi Malandi, Slight Lang na siyang bagong serye doon sa Wattpad Presents ng TV5. Ang bida nila this time ay si Isabelle de Leon. Kung natatandaan ninyo , si Isabelle ay lumabas noong araw bilang anak ni Vic Sotto sa Daddy Di Do Du, na ang pangalan ay Duday. Isipin ninyo ang batang iyon ay malaki na ngayon at maganda pa.

Sa serye niyang bago, dahil ayaw ­niyang ma-miss ang tatay niyang nagpunta sa abroad, ­inaamoy niya ang mga damit na naiwan noon, at dahil doon naging ugali na rin niya ang hindi maligo. Kaya maganda man siya, walang nagkakagusto sa kanya dahil hindi nga siya naliligo.

May matindi siyang crush sa isang varsity basketball player na ginampanan naman ni Ken Anderson, at ginawa niya ang lahat pati na ang pagnanakaw ng damit ng crush, para mapansin siya. Kaya lang, no pansin pa rin siya kasi nga mabaho siya. Pero mayroong nagka-interest sa kanya, si Edgar Allan Guzman. In the end, nakumbinsi rin siyang maligo. Naging maganda, hindi na mabaho, at pinag-agawan na siya.

Pero in real life, sinasabi nga ni Isabelle na malayo siya sa character na kanyang ginampanan.

Una, naliligo naman si Isabelle. Ikalawa, “hindi ako malandi eh”, sabi niya. Sa totoong buhay, may pagka-conservative nga raw siya. At her age, 20 na siya ngayon, wala pa siyang nagiging boyfriend kasi ang palagay niya iyong kanyang career ang kaila­ngan niyang unahin. Naniniwala siyang may panahon naman para sa lovelife, pero hindi pa sa ngayon iyon. Enjoy pa nga siya sa pagiging single, at busy rin kasing masyado sa kanyang trabaho.

Marami ang nagsasabi na sa gandang iyon ni Isabelle, mas bagay sa kanya ang gumawa ng drama kaysa sa comedy. Pero iginigiit nga niyang at home naman kasi siya sa comedy at gumawa na rin naman daw siya ng mga drama noong araw.

Ang sinasabi pa ni Isabelle, sa ngayon kailangan niyang mapatunayan hindi lang ang galing niya sa comedy kundi ang kanyang versatility, kaya hindi pa siya namimili ng roles.

Kuya Germs pinakalma si Sharon sa burol ng ina

Naroroon kami noong unang gabi ng wake ni Mommy Elaine Cuneta sa Santuario de San Antonio. Bale ang unang gabi ng wake ay kinabukasan pa matapos na siya ay yumao. Nagkaroon kasi ng delay sa preparations kaya hindi agad naisaayos ang burol. Bale nadala roon ang mga labi ni Mommy Elaine, hapon na ng sumunod na araw.

Kung pagmamasdan mo siya habang nakahimlay, mukhang masaya naman ang kanyang mukha. Mababakas mo pa ring may ngiti.

Siya nga ay nasa kapayapaan na.

Napakaraming taong nakikiramay. Iyong mga bulaklak umabot na hanggang sa labas. Iyong dalawang chapels na magkarugtong, puno ng tao, bukod pa ang mga tao sa patio na napakarami rin. Noong na­ro­roon kami, siguro nga masasabing lahat ng mga taong naging close sa Mega­star na si Sharon Cuneta ay naroroon na. Nang duma­ting si Sharon at salubungin siya ng mga naroroon, mukhang maiiyak na naman siya. Pero sinabihan siya agad ni Kuya German “Germs” Moreno na siyang unang bumati sa kanya na “kumalma ka na.” Kasi noon daw namatay si Mommy Elaine, talagang nagtumangis si Sharon. Talagang down.

Pero nagkaroon siya ng isang buong araw para kumalma muna, bago ang burol ni Mommy Elaine. Sana nga mas madama niya ang pagmamahal sa kanya at sa kanyang yumaong ina ng mga tao.

vuukle comment

DADDY DI DO DU

EDGAR ALLAN GUZMAN

MOMMY ELAINE

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with