^

Pang Movies

Goma nag-iingay lang daw!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

May mga nag-react sa sinabi ni Richard Gomez na mas maraming bagay na kailangang pag-usapan kaysa roon sa reklamo nila sa isang bahagi lang naman ng fashion show ng Bench. May nabanggit pa nga si Goma na dahil malapit na ang eleksiyon kaya nag-iingay ang ibang grupo. At siyempre nag-react naman agad ang ibang grupo.

Siguro nga medyo maanghang lang ang pagkakasabi ni Goma, pero opinion niya iyon eh. Palagay din namin, mukhang napakababaw nga ng protesta, kasi hindi naman nilapastangan talaga iyong babae. Isa iyong “act” at iyong babae ay isang artist, isang contortionist. Ang inilalarawan niya ay hindi naman babae talaga o ang kanyang pagkatao mismo. Huwag na nating sabihing lalaki ang itinali, ipagpalagay na­ting isang hayop, tigre halimbawa o kahit na aso lang, tiyak may sasabihin din naman ang mga animal welfare groups.

Ngayon kung sinasabi nila na kawalang galang iyan sa isang babae, bakit sila mabilis na nag-react sa isang fashion show na naglagay naman ng warning na sila ay para sa matured audience lamang at napanood naman ng limitadong audience. Bakit hindi ganoon ang kanilang reaksiyon sa mga pelikula, at TV shows na nagpapakita rin ng hindi magandang trato sa mga kababaihan? Bakit hindi rin nila sinisita ang mga komedyante na nambababoy sa mga kababaihan, huwag na lang tayong bumanggit ng pangalan.

Iyon lang naman ang punto ni Goma doon sa sinabi niya.

Kaya asahan na ang susunod na pag-iinitan ay si Goma dahil sa kanyang opinion. Tiyak may magsasabi pang siguro gusto lang ni Goma na mag-ingay dahil ilalabas na ang pelikula niyang The Trial.

Fabio ipinahamak ng GF

Nag-apologize na nga si Fabio Ide dahil sa kanyang paglilihim ng katotohanan na may anak na nga siya, at siya ang talagang nakabuntis kay Denisse Oca na anak ni Melissa Mendez. Dahil sa hindi niya pag-amin agad, napagbintangan ang walang kamalay-malay na si Phil Younghusband. Pero kung iisipin mo, hindi lang naman si Fabio ang may kasalanan. May kasalanan din si Denisse dahil hindi siya kumibo, at hindi nag-deny noong panahong pinuputakte na nang kung anu-anong masasamang salita si Phil Younghusband.

Inamin ni Fabio Ide na natakot siyang maapektuhan ang kanyang career. Ngayon apektado na talaga, lalo na at humalo pa sa gulo ang girlfriend niya na non-showbiz.

Happy Birthday Kuya Germs…

Hindi namin maaaring makalimutan ito, birthday ni Kuya Germs. Matagal na rin, as in ilang dekada na naming kaibigan si Kuya Germs, at karangalan naming siya ay aming kaibigan. Marami na siyang natulungan sa industriya. Marami pa rin siyang tinutulu­ngan ngayon. Marami na siyang nagawang malalaking stars, alam namin may gagawin pa siyang stars ulit.

Sana maging masaya ang birthday ni Kuya Germs. (Maligayang kaarawan Kuya Germs. All the best. – SVA)

 

vuukle comment

BAKIT

DENISSE OCA

FABIO IDE

GOMA

KUYA GERMS

MARAMI

NAMAN

PHIL YOUNGHUSBAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with