^

Pang Movies

Paulo nag-renovate ng Instagram, KC nabiktima

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Si Paulo Avelino ang cover boy ng Cosmo Men 2014. Malaki ang ipinayat ni Paulo dahil pinaghandaan niya ang pictorial para sa Cosmo Men, pati na ang kanyang pagrampa sa Cosmo Bash sa September 24.

Hindi nasipot ni Paulo ang Cosmo Bash noong 2013 kaya nag-sorry siya sa fans at sa staff ng Cosmopolitan Magazine.

Nagkataon lang din na si KC Concepcion ang cover girl ng September issue ng magazine at back-to-back cover sila ni Paulo.

Nag-try noon si Paulo na ligawan si KC pero walang nangyari sa kanyang panunuyo. Mas gusto kasi ni KC na maging friends lamang sila.

Idinenay nga pala ni Paulo ang intriga na tinanggal niya sa kanyang Instagram account ang lahat ng mga litrato ni KC.

Kumbaga sa bahay, nagkaroon ng renovation ang Instagram account ni Paulo. Inalis niya ang lahat ng colored pictures at pinalitan ito ng black and white photos.

Gimik ng drama aktres walang epekto sa mga bisita ng isang gathering

Papansin ang isang aktres nang umapir ito sa isang showbiz gathering.

Tiniyak ng aktres ang kanyang late arrival at siya rin ang pinakamaaga na umalis.

‘Yun nga lang, bigo ang aktres sa kanyang drama. Dedma sa kanya ang ibang mga bisita dahil mas nag-enjoy sila sa pakikipagkuwentuhan sa co-stars ng aktres na walang ilusyon na big star sila at hindi mga prima donna.

Mama Boots nahawa na sa ‘kapilyuhan’ ng asawa

Napansin ng mga reporter na game na game si Boots Anson-Roa sa pagsagot sa mga naughty question sa kanya sa presscon ng Strawberry Lane ng GMA 7 noong Martes ng gabi.

I’m sure, nahawa na si Mama Boots sa pagiging witty at palabiro ng kanyang mister na si Atty. King Rodrigo.

Si Atty. King ang unang naringgan ko na nagsabi na gusto niya na magkaroon sila ng anak ni Mama Boots.

Sa presscon ng Strawberry Lane, naaliw kay Mama Boots ang mga reporter nang sabihin niya na pinipilit nila ng kanyang dyowa na magbunga ang kanilang pagmamahalan.

Knows ng mga reporter na nagbibiro lang si Mama Boots pero mabentang-mabenta sa kanila ang dialogue ng respected veteran actress na may kakayahan din pala na maging naughty.

Rita susubukang kopyahin si Cherie Gil

Starring sa Strawberry Lane sina Bea Binene, Joyce Ching, Kim Rodriguez, Joanna Marie Tan at Rita De Guzman.

Lavinia ang name ni Rita sa Strawberry Lane at sa pangalan pa lang niya, obvious na siya ang kontrabida rito.

Inspired ng character ni Cherie Gil sa Bituing Walang Ningning ang name ni Rita sa Strawberry Lane. Kontrabidang-kontrabida si Cherie sa blockbuster movie ni Sharon Cuneta noong 1985.

Pangarap ni Miguel natupad dahil ‘kay’ Niño

Bukas ang last day sa telebisyon ng Niño dahil papalitan na ito ng Strawberry Lane simula sa September 15.

Nagpapasalamat si Miguel Tanfelix sa lahat ng mga tumangkilik sa primetime teleserye ng GMA 7 na pinagbidahan niya.

Dahil sa Niño, natupad ang dream ni Miguel na mag-bida sa isang teleserye na naging daan din para mangyari ang dream niya na makarating sa Amerika.

Kasama si Miguel sa GMA stars na pupunta sa California para sa show ng GMA Pinoy TV. Special request si Miguel ng mga Filipino-American na hooked sa panonood ng Niño.

vuukle comment

CHERIE GIL

COSMO BASH

COSMO MEN

MAMA BOOTS

MIGUEL

PAULO

STRAWBERRY LANE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with