^

Pang Movies

Boy sobrang sakit ang pinag-daanan!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kahit kasalukuyan pang nagpapagaling, mi­na­buti ni Boy Abunda na lumabas sa telebisyon para matapos na ang lahat ng haka-haka tungkol sa kanya na kesyo may malubha siyang karamdaman and wor­se, namatay na raw sa sakit na colon cancer.

Napanood namin ang exclusive taped interview ni Kuya Boy for The Buzz last Sunday at dito ay idenetalye niya kung ano ba talaga ang kanyang sakit.

Sa umpisa ay nilagnat daw muna siya nang pag­­ka­taas-taas to the point na nagdeliryo na siya. Isinugod siya sa hospital at dumaan sa napakara­ming tests. Hanggang sa nakita kung ano talaga ang kanyang sakit.

“Nakita nila na meron po akong abscess, nana, sa aking liver. Ang ginawa po nila sa akin, nag-aspirate po sila. Gumamit po sila ng pagkalaki-laki, at pagkahaba-habang karayom,” lahad ni Kuya Boy.

Nasa 300ml daw lahat ang nakuhang nana sa kanyang atay. Ganu’n karami. At napakasakit daw ng kanyang katawan matapos ang proseso. “Ang sakit, sakit, sakit, sakit po ng aking nararamdaman. For the first time, kahit naroon yung mga mahal ko sa buhay, kahit naroon si Bong (Quintana, his partner), naroon yung mga nurses, naroon yung aking kapatid, for the first time in my life, doon ko po naram­daman yung may episode ho pala, na ikaw lang at ang Diyos, and you are stripped naked of everything,” sabi ni Kuya Boy.

The most touching part ay nang mabanggit ng TV ang kanyang ina na may sakit ng dementia.   Ani­ya, habang nasa ospital daw siya ay nakiusap siya sa Diyos.

“Sabi ko, ‘Panginoong Diyos, huwag mong pabayaang ilibing ako ng nanay ko. I don’t want to die.’ Ayokong mamatay. Ang hirap isipin na ang na­nay ko na walang kamalay-malay sa bahay, hindi maganda ang pakiramdam, ang kanyang anak, nakikipagsapalaran, nakikipaglaban sa ospital.

“Sabi ko, ‘Lord, itong isa lang ito, huwag Mo lang papayagang ang nanay ko ang maglibing sa akin. Hindi ko kaya yun.’ Nakiusap ako sa Diyos, yun yung hindi ko kaya,” he said.

In-address din ni Kuya Boy ang lahat ng nanira sa kanya at nagkalat na namatay na siya sa colon cancer.

Baga­ma’t hindi raw fair para sa kanya na gawan siya ng maling balita, pina­patawad na raw niya ang mga ito. Sa ngayon ay okay na raw siya at nag­sisimu­la na rin daw siyang mag-gain ng weight.

“Am I absolutely healthy? Siguro nasa mga nobenta porsiyento na po. I am on my way to joyful, great recovery.

“Of course, I will continue to do my work on television. I should be back really soon. I will be back.

“If you want a date, malay ho natin, next Sunday, September 14, baka magbukas na ho ako ng Buzz at magsabing, ‘Magandang hapon Pilipinas at buong mundo! Welcome to The Buzz’,” pahayag pa ng King of Talk.

Ronnie Lazaro ayaw maging demonyo

Mahigit tatlong dekada na rin si Ronnie Lazaro sa industriya ng pelikulang Pilipino at lahat na yata ng roles ay nagampanan na niya. Aniya ay hindi naman daw siya mapili sa mga papel na kanyang ginagampanan pero isang-isa lang daw ang role na ayaw niyang gampanan.

“Ayokong gampanan ang papel na demon­yo,” say ni Ronnie nang makausap namin sa pocket presscon para sa kanyang latest indie film na Tumbang Preso.

“’Yung devil talaga, ayoko nu’n. Ang lia­bility kasi nu’n as an actor is when you go inside (the character). I would suggest sa mga actors to try playing saints.

“Kasi, you imbibe, eh, nagiging nice ang ano. . .pero pag evil. . .kasi mai-imbibe mo talaga. Ang sinasabi ko nga, kaming mga artista, tinuturuan how to enter a character pero walang tumuturo sa amin kung paano lumabas.

“Ang dami naming mga artista na ganu’n na nadadala namin sa bahay (ang karakter). Isa ‘yan sa liabilities of being an actor. But you have to be aware para ilabas ito. Na pagkatapos nito, snap ka. Pagdating mo sa bahay, maging ordinaryong tao ka, maglaba ka, mag­hugas ka ng pinggan,” he said saka natawa.

Sa Tumbang Preso ay isang bad character na naman ang ginagampanan ni Ronnie pero natutuwa siya sa magandang advocacy ng mga producer at direktor na si Kip Oebanda na imulat ang mga tao sa lumalalang problema ng human trafficking.

Showing na sa Oct. 8 ang Tumbang Preso.

 

 

vuukle comment

DIYOS

KANYANG

KUYA BOY

RONNIE LAZARO

SAKIT

SHY

SIYA

TUMBANG PRESO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with