^

Pang Movies

Denise therapy na ang pagbi-bake ng cupcakes

Wilbur Hernandez - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Exciting talaga kapag may nababalitaan tayo tungkol sa mga tunay na magagaling na aktres ‘di ba Salve A.? Ito ang mga talentong hindi kinakailangan ng gimik para tangkilikin sila ng mga manonood, reliable sila on screen. Maaral sila sa kanilang mga gagampanang karakter. Alam nila ang panggagalingang eksena ng kanilang mga dialogues, emotions, even nuances kapag nasa eksena na sila kaya walang butas ang performance nila at agreeable sa mga manonood. Isa sa mga ganitong talents si Denise Laurel.

Edukada makipag-usap at hindi tulad ng isang leading lady na adelentada sa mga press. Approachable at artikulado at hindi puro cliché ang mga sagot kapag tinatanong.

Palibhasa’y galing sa isang Buena Familia (grandparents are former vice-president, the late Salvador Laurel and Celia Diaz-Laurel) kaya pino ang kanyang nabuong personalidad. May breeding kung baga. When we chanced upon the actress sa labas ng kanyang dressing room sa gaganaping Trade Launch ng ABS-CBN para sa mga susunod at bagong mga shows nito, Denise was very fresh-looking. Ni wala pa siya talagang make-up bukod lamang sa eyebrows at manipis na matte lipstick.

Kapansin-pansin na namayat ito pero bumagay pa rin naman sa kanya. Nagbakasyon pala at nag-hibernate ika nga ang magandang aktres matapos ang kanyang hit afternoon seryeng Annaliza.

At hindi namin akalaing may iba palang talent ang mabait at edukadang actress who is happy joggling her job between being an actress at isang mother sa kanyang malusog na anak. Bigla niya kaming inalok, with matching excitement, ng kanyang specialty cupcake. Her own version ng Red Velvet cupcake. Ang sarap-sarap nito. Hindi hangin ang laman. Siksik ang cake layers, generous at maganda pa ang packaging.

Tinanong namin kung nahihilig siya sa pastry baking lately. Ikinagulat namin nang kanyang isinagot na noong bata pa man ay nagbi-bake na siya. Therapeutic din daw kasi ang pagmi-mix ng mga ingredients kaya nakahiligan niya.

Kaya naman pala hindi nawawalan ng mga bagay na pag-usapan ang aktres kasi makikita at mapapansin mong sa pakikipag-usap kay Denise, isa siyang well-rounded na babae. At katulad ng kanyang Sunsilk Your Hair Moment kung saan naging endorser din siya ng Sunsilk dahil sa maganda ang makapal niyang brownish na buhok, magkakaroon na naman ng moment sa teleserye si Denise dahil makakasama na naman ang magaling na aktres na ito sa mga bagong ilulunsad na teleserye ng ABS-CBN. “I’ll be busy again and I’m really looking forward to my new projects I’m going to love.”

vuukle comment

BUENA FAMILIA

DENISE

DENISE LAUREL

KANYANG

RED VELVET

SALVADOR LAUREL AND CELIA DIAZ-LAUREL

SALVE A

SUNSILK YOUR HAIR MOMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with