^

Pang Movies

Pokwang kuntento kahit walang papa!

Wilbur Hernandez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Akalain mo Salve A., parang kailan lang ‘di ba nung matunghayan natin ang talento at presence ni Marietta Subong bilang isang grand winner sa Klown in a Million more than a decade ago. Ngayon siya na ang reigning blockbuster ng comedy - si Pokwang!

Just last night sa Twist, ng chicly Frenchified restaurant na located sa 2nd floor ng Po’s building sa Scout Madrinan, Q.C. na pagmamayari ni Deo Endrinal, one of the supreme head honchos of ABS-CBN, ay nag-celebrate ng birthday ang ace comedienne. Ang saya, ang sasarap ng pagkain, at bawat table sa loob at labas ng naturang restaurant ay palipat-lipat ang mga guests, mingling with just about everyone wika nga! Busy kalilipat-lipat ng mesa si Pokwang na naka zig-zag print peasant long dress na lalong nagbigay ningning sa kanyang slim na katawan.

Ang daming bosses plus directors and publicity mavens were present. Namataan din namin si K Brosas plus the Pinoy Big Brother (PBB) All In teen evictees and cute twins Fourth and Fifth Pagotan.

Pokwang was a picture of a woman who is not only contented but happy sa kanyang buhay. Biruin mo, lumalaking maganda ang kanyang anak na si Mae Subong at nasa kolehiyo na ngayon who is taking up culinary arts. Pagpasok namin ng Twist, alisto ang comedienne-aktres na sumalubong sa amin at biglang hiyaw ng “okey okey! Party na! Kain na kain na! Alak pa! Alak pa!” Kuwelang-kuwela ‘di ba?! Full force ang Ad promo and Publicity Team ng Star Cinema na pumunta sa selebrasyon na ikinadagdag pa sa saya ng blockbuster comedienne. Biro pa niya sa amin “alam ko darating kayo ‘di kayo puwedeng mawala!” Sa rami ng regalong natanggap niya na nakatabi sa isang foyer table, nagbiro si Pokwang “ay ibaba na natin itong mga regalo ah delikado nandiyan si Chokoleit!” Halakhakan kami lahat sa pagbibiro niya sa kanyang kaibigang malapit din sa kayang puso at kasama niya sa kanyang mga stand-up comic days at isa sa mga guest.

At lalong lumabas ang maganda niyang aura nang makausap naming ang birthday girl sa kalagitnaan ng kanyang celebration kinagabihan! Palibhasa’y walang bahid ng insekyuridad ang aktres ng sinabi niyang “42 years old na ako at happy ako sa buhay ko. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga taong tumulong sa akin kung saan man ako ngayon dahil instrumental silang lahat kayong lahat sa success at blessing na tinatamasa ko ngayon,” aniya.

At kung may birthday wish man siya ito iyung “ay good health lang, magandang future ng anak ko at tuloy-tuloy na trabaho lang. Pasasaan ba rin naman ang pagpapasalamat natin kundi kay Lord ‘di ba? Sa Diyos ako humihingi ng lakas at pasasalamat dahil siya itong patuloy nagbibigay ng blessings sa akin. Katulad niyan kasama ko kayo sa success ko.” 

 

vuukle comment

ALAK

ALL IN

DEO ENDRINAL

FOURTH AND FIFTH PAGOTAN

K BROSAS

MAE SUBONG

MARIETTA SUBONG

PINOY BIG BROTHER

POKWANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with