^

Pang Movies

Lyca pinipilahan na para maging endorser

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Bisi-bisihan na ang career ng bagets na si Lyca Gairanod, kahapon Friday ay nagpunta siya sa Cebu kung saan siya guest sa show ni Lani Misalucha.

Nakipagbiritan si Lyca sa Asia’s Nightingale na si Lani sa show nito sa Waterfront hotel.

Excited na muling nakasakay ng eroplano si Lyca at ngayon Sabado ay nasa GenSan naman sila ng kanyang Nanay Maria sa isa pang show uli.

Mali ang sinasabi ng iba na kaya lang siya nanalo ay dahil naawa sa kanya ang televiewers. Bulilit man siya pero nagiging higante na kapag bumirit na siya lalo na ng mga pinanalo niyang piyesa.

Kung ang ibang singer ay nabo-voice lesson, si Lyca ay nahasa ang  natural talent sa harap ng tambak na basura na ginagawa niyang stage.

Gustong sumikat ni Lyca tulad ng mentor at idol niyang si Sarah Geronimo. Gusto rin ng bagets na mag-aral na tumugtog ng drums, piano, at gitara.

Sa natural na karisma ni Lyca, nag-uunahan na ang gusto siyang makuhang endorser sa kanilang products.

Nanay at kapatid ni Vickie si Daniel ang hinahanap

Hindi lang ang mommy ni Vickie Rushton ng Pinoy Big Brother ang naghanap kay Daniel Matsunaga, pati ang special child brother nito na si Kian ay excited nang makita ang hunk model nang pumasok ang Rushton family sa loob ng PBB house nung isang gabi.

Natuwa naman si Daniel na nakipag-bonding dito at nangakong mag-best friend na sila ni Kian.

Tiyak na masusundan ang pakikipag-bonding ni Daniel sa kapatid ni Vickie paglabas ng model manalo man o matalo ito sa PBB. Kaya tinukso na naman ang dalawa sa social media kahit may BF si Vickie na si Jason Abalos.

Huwag lang daw dapat hiwalayan ni Jason si Vickie, or else baka mapunta ito sa mabuting kamay ni Daniel.

  

 

  

  

 

   

 

 

vuukle comment

DANIEL MATSUNAGA

JASON ABALOS

KIAN

LANI MISALUCHA

LYCA

LYCA GAIRANOD

NANAY

VICKIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with