^

Pang Movies

Young actress binalibag ng saging ang kasambahay

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Hindi lang ang ina-inahan ang binabastos ng young actress. Biktima rin ang kasambahay kahit simpleng niluluto lang niya para sa tanghalian ang itinatanong. Sagot nito ay sinigang na bangus na paborito niya ang para sa tanghalian nila.

Bigla itong nag-dialogue ng ‘‘Sinigang na bangus! Bangus na naman? Sawang-sawa na ako sa ulam na ‘yan!’’

Kaya humingi ito ng saging na nasa hapag kainan. Nang iabot sa kanya ng kasambahay ang saging ay bigla niya itong ibinato sa kasambahay.

Grabe ang kabastusan, ‘di ba?

Problema sa amang may ibang mahal ang asawa, susulosyunan

Isang kumplikadong kuwento ng pag-ibig ang bibigyang buhay nina Dominic Rocco at Nadine Samonte sa Love Hotline ngayong Biyernes. Batay ito sa kuwento ni Ricky Ibañez na sinulot si Jingle Cervantes, ang kinakasama ng kanyang Kuya Roy. Sa anim na taong pagsasama nina Jingle at Roy ay biniyayaan sila ng tatlong anak. Madalas wala sa bahay si Roy at ibinibilin lang niya ang kinakasama kay Ricky.

Tanong ng puso ay kung paano mo ipaglaban ang babaeng magiging ina ng anak mo kung ang tunay niyang kinakasama ay ang kanyang Kuya Roy?

Bibigyang lunas ang suliranin sa puso ni Jean Garcia at love expert na si May Soriano ngayong Biyernes 4:15 ng hapon sa GMA 7.

Sid umamin na

Kaya pala nasa cloud nine si Alessandra de Rossi kung saan inspirado ito sa kanyang career ay dahil umamin na si Sid Lucero tungkol sa kanilang relasyon ng aktres.

Ayaw pa ring magsalita ni Alex tungkol sa kanilang relasyon ng aktor.

Ngayon lang nagkaroon ng nobyo si Alex matapos ang paghihiwalay nila ni Jeremy Marquez samantalang si Sid naman ay hiwalay na kay Bea Lao ng bandang General Luna at may isang anak na sila na wala pang isang taon.

vuukle comment

ALEX

BEA LAO

BIYERNES

DOMINIC ROCCO

GENERAL LUNA

JEAN GARCIA

JEREMY MARQUEZ

JINGLE CERVANTES

KAYA

KUYA ROY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with