^

Pang Movies

Toni pinanghihimasukan ang buhay ni Alex

Wilbur Hernandez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa kauna-unahang, kasiya-siyang reality show ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga na mapapanood sa ABS-CBN mobile entitled Team Gonzaga na siya ring mag-pa-pilot nitong Sabado, ‘di mo akalain Salve A. na sa show na ito natin makikilala kung anong klaseng bonding meron ang magkapatid, mapa-harap man o mapa-likod sila ng kamera! 

Sa ginanap na presscon para sa reality show sa 9501 restaurant ng ABS-CBN ELJ na gusali, inamin ng dalawang dalaga na nung i-offer sa kanila at inilatag ang magiging format at konsepto ng show eh “it instantly became interesting for us,” sagot agad ni Toni. Bigla niyang dagdag na “sa status namin bilang mga artista, eh meron pang hindi talaga nakikita ang mga tao sa likod ng lalim ng bonding namin bilang mag-ate.” True enough ipakikita na naka-sentro at umiikot ang show na ito around the lives mostly off-cam ng Gonzaga sisters. 

Binanggit ng mga producers at creative team ng Team Gonzaga na may eere nang 15 initial episodes ang show. Malaman, nakaka-aliw, at minsan din magugulat ang mga manonood dahil dito natin makikita ang pagiging totoong tao ng sikat na magkapatid. “Na hindi kami naiiba sa mga everyday people,” sabi ni Alex. 

In fact, nagkaroon kami ng privilege para mapanood ang pilot episode ng show. Nakita namin kung bakit ganon na lang ang closeness ng Gonzaga sisters. Maging trabaho man or personal na buhay nila ang kanilang pinag-uusapan, seryoso sa isa’t isa at natural ang magkapatid. 

Nariyang sinisita at pinangangaralan ni Toni si Alex sa kanyang pag-ho-host. Tapos magpapaliwanag naman si Alex kung bakit meron siyang ginawang isang bagay kung saan ‘di pabor si Toni. Nagkaka-sagutan, nagbabangayan, at nag-aaway talaga sila na may naka-sunod na kamera. At sa mga mismong napanood na episodes nilang pareho, ‘di kami makapaniwalang may mga ma-re-reveal ang magkapatid tungkol sa kanilang sarili at tungkol sa isa’t isa. “Actually nung mapanood ko ang mga episodes namin, nakita ko and natutunan ko na protective pala talaga ako. Kaya umaabot sa sagutan ang pag-uusap namin,” ani Toni. “Si Alex kasi minsan sa pagiging hyper niya or over-kikay niya, nakakalimutan niya minsan na may kasama siya on-cam na baka ‘di makasabay sa kanya. Kaya kailangan ko siyang pagsabihan.”  Sagot naman si Alex, “eh sa show na ito we become honest with and for ourselves. Wala kasi kaming itinatago. Tapos nakikita ko pati kung ano ang mga dapat kong gawin, kung ano ‘yung mga bagay na sinasabi ni Ate na minsan ino-overdo ko. Pero siyempre kailangang depensahan ko sarili ko.” Ibig nila parehong sabihin ay sa likod ng kanilang dynamics bilang magkapatid, “kami mismo nakikita naming kung bakit ganito kami ka-close,” banggit ni Toni. Pag-amin niyang meron kasi siyang “protective instinct.” 

Exclusive pala ang reality show na Team Gonzaga para sa mga ABS-CBN mobile subscribers lang.

Kaya maaaring magtanong ang ilan o maraming manonood since mga artista sila, na hindi kaya may conscious effort silang umarte lang sa mga episodes at hindi totoo ang mapapanood sa kanila. “Ay hindi po. Talagang natural lang kami dito. Hindi kami uma-arte dito. Siyempre aware kami na artista na nga kami pati dito sa reality show namin dapat ba artista pa rin kami, no po. Talagang kung ano kami on and off cam sa pagba-bonding naming ganon kami,” sabi ni Toni. Ikinagulat pa ng mga guest sa presscon na talagang sinabi ni Toni “nandiyan iyung, example mga shot kung saan sinesermonan ko si Alex tungkol sa love life niya. Pinapayuhan ko siya minsan, sinisita na tungkol sa mga heartaches niya kasi ginusto niya iyung ganong klaseng tao eh. She even talked about her heartaches in a funny way.” Sagot naman si Alex na “may mga shots namang nagiging malikot daw ako masyado sa pag-ho-host to the point na nakakasapaw ako on-cam. Siyempre dine-defend ko po sarili ko na magkaiba po kami ng hosting style. Although pinakikinggan ko po ang mga points ni Ate pero sinasagot ko din na meron din akong sariling marka kahit papano as a host.”    

 

vuukle comment

ALEX

KAMI

KAYA

KUNG

SHOW

TEAM GONZAGA

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with