^

Pang Movies

Pag-aming bading ni Fifth laos na

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Pinag-uusapan nila ngayon ang ginawang pag-amin ni Fifth Pagotan na siya ay bisexual sa reality show na Pinoy Big Brother All In. Nakilala siya sa pangalang Bobby Solomon noong nagsisimula pa lang at miyembro ng Dance Squad.  Hindi na bago ang kuwentong iyan, at hindi na rin kami nabigla.

Una, hindi naman siya ang kauna-unahang gumawa niyan. Naunahan na siya ni Rustom Padilla noong araw, pero kung napansin ninyo nitong mga nakaraang araw sinasabi ni Rustom na kilala ngayon sa pangalang BB Gandanghari na pinagsisisihan din niya ang ginawa niya.

Ikalawa, pagpasok pa lamang naman niya sa reality show na iyan, pinag-uusapan na sa mga social networking sites na bading siya. Marami na ang mga ganoong comments, at inamin naman niyang sanay na siya sa sinasabing ganoon ng mga tao. Ang term pa ngang ginamit niya “binu-bully” siya dahil doon.

Noong nasa Dance Squad pa lang iyan si Fifth, tinanong na namin sa kanilang manager noon na si John Fontanilla kung bading nga ba Bobby Solomon. Kasi nakita namin siya sa isang coffee shop, at binati pa niya kami, na ang kasama niya ay isang damukal na mga bading. Napansin ko rin, naglalandian sila sa isang sulok noong coffee shop, kaya naman naitanong namin sa manager niya kung bading ba iyon. Ang sagot naman ni John sa amin, “Hindi ko rin alam Kuya Ed, pabayaan na ninyo siya.” Kung ganoon ang sagot sa iyo, ibig sabihin totoo pero may pakiusap na huwag na lang pansinin.

Hindi na nga namin pinansin, eh ano nga ba ang masama kung bakla man siya. Basta ba wala naman siyang tinatapakang ibang tao. Basta ba ang kabaklaan niya ay nasa ayos, ano nga ba ang problema roon? Siguro nga noon, itinatago nila dahil kasama siya sa isang grupo na dapat ay parang matinee idol ang dating. Eh ngayon, sino pa nga ba ang makikialam sa kanya kung magpa-sexy man siyang parang si Anne Curtis?

Piolo nagiging ‘manloloko’ na ang image

Bakit ba naman hindi tumigil iyang si Piolo Pascual sa kasasalita tungkol sa kanyang love affairs?

Ngayon naman ang sinasabi niya, gusto raw niyang maging asawa ang isang babaeng nasa mga 20 anyos pa lang dahil gusto niyang magkaroon ng maraming anak. Nakakatawa pa ‘yung sinabi niyang wala lang daw siyang panahon dahil kung gugustuhin lang niya, “maraming babae diyan.”

Ano ba ang tingin ni Piolo Pascual sa isang love affair, palipasan lang ng oras?

Totoo nga siguro na “maraming babae diyan” para sa kanya. May hitsura, sikat, may pera siya kaya natural lang na “maraming babae diyan.” Pero hanggang doon na lang ba ang isang love affair para sa kanya? Hindi maganda ang kanyang statement. Para bang sinasabi niyang madali lang makakuha ng babae at iwanan pagkatapos. Marami na rin namang sinabing naging girlfriend niya sa show business, pinakahuli na nga raw si Shaina Magdayao. Pinaka-controversial naman sa mga love affairs niya si KC Concepcion. Pero hanggang doon na lang ba?

Aba hindi tamang ginagawang palipasan lang ng oras ang isang love affair, kahit pa sabihing “maraming babae diyan.”

Aktres papalaos na nga ba?

Hindi lang flop ang kanyang mga pelikula, in fact wala pa siyang kumitang pelikula talaga. Bagsak na rin ang ratings ng lahat ng mga ginagawa niyang TV shows lately.

Pero talagang nahihirapan pa ring tanggapin ng isang female star na naluluoy na nga ang kanyang career at pinagsasawaan na siya ng mga tao. Ang showbiz naman kasi hindi naman puwedeng puro pagpapa-sexy lang eh.

vuukle comment

BOBBY SOLOMON

LANG

NAMAN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with