^

Pang Movies

Lance dumami ang blessing matapos maaksidente

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Naging guest namin si Lance Raymundo sa ginanap na Celebrity Hour na isang forum ng mga celebrities na tinalakay ang iba’t ibang isyu hindi lang tungkol sa entertainment.

Nakausap namin si Lance at naikuwento ang sinapit na aksidente kung saan hindi niya halos makilala ang hitsura. Kung sa iba ito nangyari bilang celebrity ay baka nagpakamatay na siya. Pero hindi sa kaso ni Lance dahil may takot siya sa Diyos at positibo ang pananaw na isa itong aksidente at wala siyang sinisi sa pangyayari.

Mabait talaga si Lance at nagpapasalamat nga siya dahil suportado siya ng buong pamilya. Matapos ang sampung oras, limang araw sa unang operasyon at limang oras uli sa ikalawang operasyon ay higit siyang guwapo ngayon at umingay nang husto ang career bilang singer at artista.

Dumami pa ang blessing nito at katunayan, kasama siya sa indie movie na Gemini at magkakaroon ito ng solo premier sa Puchon International Film Festival sa Korea ngayong July 20, 2014. Kasama pa rin sina Mon Confiado, ang kambal na sina Brigitte at Sheena Mobride, Alvin Anson, Sarah Gaugler, at Don Gordon Bell. May ibubuga naman sa pag-arte ang aktor na hahangaan sa movie.

Elyza balik-showbiz

Nagbabalik-showbiz ang magandang si Elyza Rivera na nakalabas na sa ilang teleserye sa GMA 7. Isa rin siyang writer at author ng mga librong Regalong Hiram, Borrowed Gift, at Isyu sa Relasyon? Heto ang Solusyon.

Kasama ito sa pelikulang Edukasyon (A Teacher Devotion) mula sa JMS Films na prodyus ni Mrs. Jovy Sebastian. Markado ang karakter na gagampanan niya bilang batang ina ng bidang si Dianne Medina na ang pangarap ay maging isang guro.

Puring-puri si Elyza ng mga staff at director dahil sa pagiging propesyonal nito at puro ‘‘take one’’ sa mga eksena.

Sabi nga ng aktres ‘‘Isang makabuluhang proyekto ang Edukasyon at natutuwa akong mapabilang dito dahil kapuri-puri ang ginagawa ng mga guro sa paghubog sa kagandahang asal ng mga kabataan. Sila ang mga unsung heroes natin.’’

Si Elyza ay maybahay ni dating Usec. Robert Rivera at ngayon ay RPN president. Kasama pa rin sa Edukasyon sina Tommy Abuel, Leandro Baldemor, Rey PJ Abellana sa direksyon ni Bobby Benitez.

Magkakaroon ng special screening ang pelikula sa July 23 sa SM North EDSA, 5 p.m., sa pakikipagtulungan sa Department of Education. Ang mga sponsors ay SM North EDSA, Gov. F. Dy at Distilleria Limtuaco.

vuukle comment

A TEACHER DEVOTION

ALVIN ANSON

BOBBY BENITEZ

BORROWED GIFT

DEPARTMENT OF EDUCATION

DIANNE MEDINA

DISTILLERIA LIMTUACO

EDUKASYON

KASAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with