^

Pang Movies

Alex sumipag paglabas ng PBB House!

Wilbur Hernandez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nang maging hit ang Koreanovelang 49 Days at ngayon ay ina-dapt ito ng ABS-CBN at iniba ang titulo para lalong maka-engganyo at mag-sync in sa panlasa ng manonood na Pilipino. At sa titulo nitong Pure Love, talaga namang maraming makaka-relate dahil banggit nga ni Alex Gonzaga na siyang bida sa bagong primetime serye na ito, “akmang-akma sa Filipino taste at saka makikita natin ang mga sarili natin sa Pure Love.”

Sa presscon na ginanap sa Dolphy Theater very recently, kung saan kasama ng buong cast at ang magaling na director na si Veronica Velasco who gave us critically acclaimed mo­vies katulad ng I Do (2009) at Tuhog (2013), dinescribe niya ang kanyang cast bilang “fresh, new at novelty.

Sa kalagitnaan ng mga tanong lalo na kay Alex, napag-alaman naming lahat na medyo naantala ang pagte-taping ng teleseryeng ito kasi sa kalagitnaan ng preparasyon ni Alex para sa serye kung saan para itong feature sa kanya bilang isa sa mga lead female stars na rin ng ABS-CBN, “eh pumasok naman po ako sa PBB. Kaya po nakipag-usap ako kay Kuya eh. Sabi ko Kuya ‘di pa ba ako lalabas kasi may taping na po yata ako eh. Tanong ko lang po kung umeere na,” pagpapatawa ng magandang dalaga who looked lovely in a flowing yellow dress with chiffon peek-a-boo cut-outs. Pero to connect with the teleserye sinabi ng kapatid ni Toni Gonzaga “in fact ang pag-stay ko po sa PBB House eh nakatulong pa sa pag-prepare ko for this big project kasi sa loob (ng PBB) natuto ako ng measures na maturity, responsibility, kumilos at tumulong na may kusang palo. Kaya naman pakiramdam ko mas ready akong mag-taping after PBB”. 

Inamin ni Alex na malaki ang utang na loob niya at tiwala sa ABS-CBN. Di rin niya ikinaila na dahil sa kapatid niyang si Toni ay nakalipat din siya sa naturang network. Kaya alam niyang malaki ang responsibilidad niya para ang Pure Love na maging matagumpay. Sa pagbabalik tanaw ni Alex, “noong lumipat po ako happy na po ako na meron akong sunod-sunod na ginagawa. Nabigyan po ako ng trabaho kaagad. Naging busy po ako. Pero nang dumating ang Pure Love, ‘di ko po inaasahang ang laking project pala nito. Tapos lead pa ‘ko. Ang naging dating sa ’kin wow bida talaga ako this time. Kulang na nga lang magkaroon ako ng star complex sa set!” pagbibiro ng aktres na ikinatawa ng lahat ng press.

Alam niya ring ang papalitang teleserye ng Pure Love ay Mirabella. At sa ganda ng ratings ng Mirabella, “hindi po namin iniisip na makipag-compete sa ratings  kasi iba naman po ang story ng Mirabella, may halo pong fantasy na ikinaganda nung show eh. Basta for Pure Love lahat po kaming cast naka-focus lang po to make our teleserye work with the viewers. Optimistic lang po akong magkakaroon kami ng magandang following sa show naming ito. So confident po kaming lahat,” pagpaliwanag ni Alex. Di ba pure confidence iyon Salve A.!                                                      

vuukle comment

AKO

ALEX

ALEX GONZAGA

DOLPHY THEATER

I DO

KAYA

MIRABELLA

PURE LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with