^

Pang Movies

Marian dinaig pa si Lucy sa titulo

Roland Lerum - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa June 21 na ang pilot ng bagong dance show ni Marian Rivera na pinamagatang Marian sa GMA 7.  Ang bagong titulo niya ngayon ay Queen of the Dance Floor.  Queen siya agad!  Tinalo pa niya si Lucy Torres-Gomez na matagal nang may dancing program sa TV 5.

Para maging bongga ang pilot telecast ng Marian, sina Vilma Santos at Maricel Soriano ang special guest ng programa.  Taga-Siyete na si Maricel kaya madaling kumbidahin.  Si Vilma naman ay nakasama ni Marian sa pelikulang Ekstra kaya na­ging madali na ito.

Parehong naging asawa ni Edu manzano sina Vilma at Maricel.

Divine Lee tanggap na mukhang bading!

Ang model at stylist na si Divine Lee ay madalas napagkakamalang bakla dahil sa height niya at boses.  “Okey lang kung napagkakamalan akong bading paminsan-minsan,” sabi naman ni Divine.  “Hindi naman ako offended.  Kung ‘yung grupong  Spice Girls nga akala ng mga tao, tunay na mga bakla, ako pa?  Basta hindi lang ako babastusin, e,” sabi pa ni Divine.

Janno at Manilyn masaya kahit hindi nagkatuluyan

Guest sa Sarap Diva sina Manilyn Reynes at Janno Gibbs kamakailan.  Pareho silang nagtatabaan, isama na ang host ng show, si Regine Velasquez na minsan ay nagsabing gusto raw niyang maging boldstar! Magpa-slim muna siya at magpa-sexy!

Dating magka-love team at magkasintahan sa tunay na buhay ang dalawa. Circa late 80s at early 90s nang matanyag ang love team nila. Pero naputol ‘yun nang magpakasal si Janno kay Bing Loyzaga at may dalawang anak na babae sila ngayon.  After several years, si Mane naman ang nagpakasal kay Aljon Jimenez.  May tatlo silang anak na lalaki ngayon.

“Hindi ako nagselos noon kay Bing kasi ang akala ko talaga noon, kami na talaga ang swak ni Janno sa isa’t isa.  Bata pa kasi ako noon,”  pagtatapat ni Manilyn kay Regine.

May bagong daily show sina Mane at Janno sa Syete, ang My BFF na una nilang pagtatambal pagkatapos ng maraming taon.  Nagsisisi ba sila na hindi sila ang nagkatuluyan sa huli?

 â€œMay kanya-kanya na kaming buhay at masaya na kami sa nangyari sa amin,” sabi ni Manilyn.  Kumatig naman agad si Janno kahit alam nating marami silang pinagdaanan ni Bing.                                     

                                                                             

vuukle comment

ALJON JIMENEZ

BING LOYZAGA

DIVINE LEE

JANNO

JANNO GIBBS

LUCY TORRES-GOMEZ

MANILYN

MANILYN REYNES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with