^

Pang Movies

Agot, natensyon sa iyakan

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tensyonada si Agot Isidro noong mag-shooting ang Carmela sa Malolos Bulacan. Mabigat kasi ang role niya, feeling nga ng lahat ay kaaway siya dahil sa mga inaaping anak na sina Marian Rivera at Krystal Reyes.

Nirerespeto namin kapag tahimik si Agot sa set, dahil alam naming nag-e-emote siya sa gagampanang papel. Malapit lang ang Baliuag sa Malolos, Bulacan. Naibulong nga ng mga kababayan namin, mabait daw pala ang mga artista ng Carmela. Walang feeling sikat. Lalo na si Marian Rivera.

Dapat lang lalo na kapag may taping, huwag nang pahaharapin si Marian lalo’t nag-eensayo sa mga sasabihin. Kasi, kapag medyo lumalakas lang ang boses ni Marian, akala nagsusuplada na siya. Nakahanda naman siyang magpa-picture basta tapos na ang taping. Happy si Marian kapag may gustong magpapirma o kaya ay magpa-picture. Pero take note, hindi dapat magsuplada ang mga artista, lalo’t nasa ibang lugar. Hindi nila ito teritoryo baka magalit ang mga fans kapag nagsuplada sila.

Mga tsismis kay Kris hindi makakatulong sa buhay ng mahihirap

May mga nagkokomento na parang nakakasawa na raw ang mga pilit na inili-link kay Kris. Hindi pa nga natatapos ang kay Mayor Herbert Bautista, may iba na namang itinuturong kursunada si Kris. Ano ba yan, pulos na lang pag-uugnay gayung hindi naman totoo sa ending ang kuwento. Wala bang kuwentong may mga mahihirap siyang scholar na pinag-aaral at natutulungan? Kung tuluy-tuloy ang pagtulong niya sa ilang Yolanda victims?

Mga items na kapupulutan man lang ng pakinabang o aral kaya sa buhay. Sabi nga nila, pang bagets lang ‘yang mga crush isyu na ‘yan, na kalimitang nababalita tungkol sa kanya.

Superstar malaki ang pasasalamat sa kanyang rebulto

Nagmistulang regalo ng bayan ng Laoag, Ilocos Norte kay Superstar Nora Aunor ang bantayog na pinasinayaan kamakailan.

Kaarawan kasi ni Guy sa ika-21 ng Mayo at parang regalo na rin ito sa kanya. Napaiyak nga si Guy noong pasinayaan ito dahil isa itong malaking pagpapahalaga para sa pelikula niyang Himala. Matatandaang kinunan sa naturang lugar ang pelikula na tumabo at umani ng mga papuri.

Rey Malonzo hindi pa nalilimutan

Sa ika-17 ng Mayo, kaarawan ni Ex-Mayor Rey Malonzo na minsan ding naging provincial superstar at nakapareha ni Nora Aunor sa pelikula. Sino bang makalilimot sa rami nang nagawang movie ni Rey?

Sa ika-26 ng Mayo naman, kaarawan ng dating sexy star at Konsehala ng Talavera, Nueva Ecija na si Barbara Milano.

vuukle comment

AGOT ISIDRO

BARBARA MILANO

CARMELA

EX-MAYOR REY MALONZO

ILOCOS NORTE

KRYSTAL REYES

MALOLOS BULACAN

MARIAN RIVERA

MAYOR HERBERT BAUTISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with