^

Pang Movies

Code of Parental Responsibility, bubusisiin ni Ted

Pang-masa

MANILA, Philippines - Bubusisiin ni Ted Failon sa Failon Ngayon ngayong Sabado (Mayo 10) ang Code of Parental Responsibility na ipinapatupad sa Mandaluyong kung saan posibleng ang magulang ang makukulong kapag lumabag sa batas ang menor de edad nilang anak.

Kailangan bang ipatupad ang naturang ordi-nansa sa buong bansa para mabawasan ang krimen?  

Bukod dito, tatalakayin ni Ted kung bakit hirap makakuha ng trabaho ang mga Pilipino kapag sila ay nagkaka-edad na o ika nga nila’y over-aged.’

Maghahatid din ng ulat ang episode sa kontrobersyal na ‘sex-for-flight’ scandal sangkot ang dating assistant labor attache sa Riyadh, Saudi Arabia na ayon sa mga ulat ay inalok diumanong makipagtalik ang dalawang Pinay na nagtatrabaho sa Saudi kapalit ng pag-uwi nila sa Pilipinas.

Huwag palampasin ang Failon Ngayon ngayong Sabado (Mayo 10), 4:45 p.m., sa ABS-CBN. May replay din ito sa ANC tuwing Linggo, 2 p.m.

Celebrity moms haharap sa hamon ng mga litrato

Ngayong Sabado (May 10), apat na celebrity moms ang maglalaro at haharap sa hamon ng mga litrato sa Mother’s Day episode ng weekend game show ng Kapuso Network, ang Picture! Picture!

 Maglalaro ang celebrity moms na sina Camille Prats, K Brosas, Jana Domingez, at Donita Rose.

 Sino sa kanila nang kakabahan, matitigilan at maloloka sa mga katanungan? Sa kickout round, alamin kung sinong mommy ang gagamit ng matinding diskarte sa pagpapatalsik ng kanyang team mate.  

Makakasama rin ng game master na si Ryan Agoncillo sa episode na ito ang produkto ng You’re My Foreignay mula sa Eat Bulaga na si Dasuri Choi para magbigay ng mga trivia sa tamang kasagutan!

vuukle comment

CAMILLE PRATS

CODE OF PARENTAL RESPONSIBILITY

DASURI CHOI

DONITA ROSE

EAT BULAGA

FAILON NGAYON

JANA DOMINGEZ

K BROSAS

KAPUSO NETWORK

MY FOREIGNAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with