^

Pang Movies

Mga kasong rape laban kay Vhong, may umay factor na

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nagsimula sa isang kaso lang ng bugbugan at nauwi sa bintang na rape, ngayon sunud-su­nod na rape cases na ang isinampa laban kay Vhong Navarro. Na-dismiss na ang unang rape case dahil sa palagay ng piskalya ay walang matibay na ebidensiya. Ang ikalawa namang kaso dinidinig pa pero iyong nagdemanda ng rape, kinasuhan din ng isang pageant organizer dahil sa sinasabi niyang na-rape siya noong panahong kasali siya sa contest. Sa ikatlong rape case naman, bakit ang ginamit pang ebidensiya para paniwalaan siya ay ang pagsasabing “hindi pa binyagan” si Vhong noong mangyari ang diumano ay panghahalay sa kanya.

Hindi lang iyan, mayroon pa raw isa pang rape case na isasampa laban kay Vhong. Nakakasawa na.

Sa totoo lang, nawawalan na ng interes ang mga tao. Marami na masyado eh, at sunud-sunod pa. Magkakaroon ka rin naman ng duda dahil marami nang mga butas na lumabas sa mga kasunod pang kaso. Mukhang trying hard na nga ang mga huli. Iyong mga ganyang kaso, kailangang pag-aralang mabuti bago isampa.

Halimbawa, totoong mahalaga ang petsa kung kailan nangyari ang mga sinasabing reklamo, dahil sa ganyang kalalang kaso, mahirap makalimutan, lalo na nga at alam mong pinuwersa ka. Pero kung sasabihin mong “basta five years ago” mukhang malabo nga iyon.

Kung sabagay hindi naman tayo ang dapat na mag-imbestiga riyan, kaya nga may piskalya eh, kung saan nila inihaharap ang kanilang mga sumbong at siya rin namang makapagsasabi kung may sapat ngang ebidensiya ang mga sumbong nila. 

Reklamong inihain ni Claudine hindi maintindihan

Ayon kay Claudine Barretto, may tao raw inupahan para lasunin siya at ang kanyang mga anak. Hindi ba malabo na may isang taong basta papasok na lang sa bahay mo na hindi mo kakilala, hindi mo alam kung saan nagmula at basta na lang darating para lasunin ka?

Hindi niya sinabi sa kanyang reklamo kung ang nabayaran para magtangkang lasunin siya ay isang kasambahay na naghahanda ng kanilang pagkain, o kaanak niyang balak na rin siyang lasunin, o kung  anuman. Basta nalaman na lang niya na may inupahan daw na tao para lasunin siya at ang kanyang mga anak.

Nagsabi rin ang kanyang abogado na hindi niya alam ang mga pangyayaring iyon. Siguro nga kasi naging busy si attorney sa birthday celebration ng kanyang among si Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo. Pero parang magulo ang huling reklamong iyan ni Claudine.

Aktor pinag-iinitan ng mga tauhan ng sariling network

Hindi kami makapaniwala na mismong mga tauhan daw ng isang network ang siyang naninira sa isa nilang aktor. Nakikisimpatiya kaya sila kay direk na minsang inireklamo ng aktor kaya napaalis sa kanilang network? May duda lang naman kami.

vuukle comment

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

CONGRESSWOMAN GLORIA MACAPAGAL ARROYO

KUNG

PERO

SIYA

VHONG

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with