^

Pang Movies

Isabelle napapakinabangan na ng EB

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Sinong may sabi na ang hosting skills lang ni Isabelle Daza ang nagagamit niya sa Eat Bulaga?

Ang laki na ng pakinabang ng EB production ngayon sa pangsabak nila kay Isabelle — mapa-kantahan, sayawan, o aktingan — kasi enjoy na enjoy naman sa kanyang pinaggagawa ang audience sa noontime show ng GMA 7.

Pero ang maganda, hindi pa rin nawawala ang kanyang pagiging class. Parang ang tagal-tagal na niyang nagho-host sa EB dahil nag-level up na ang galing niya na, in fairness sa anak ni Gloria Diaz, puwede na siyang magkaroon ng sarili niyang segment para lalo pang mag-shine ang kanyang talent.

Empoy naitsapuwera sa Torpe

May aliw factor na ang samahan ng Tropa Mo ‘Ko Unli ng TV5 pero mas lalo pang lumakas ang hatak ng pagpapatawa ng grupo nang idagdag pa si Ogie Alcasid na maning-mani lang ang pagko-comedy.

Kahit kanino siya i-tandem sa batuhan ng punchline ay nagagawa niyang kuwela ang simpleng eksena. Pero tinginan pa lang nina Ogie at Empoy ay patok na, lalo pa kung magbibitiw na sila ng mga sundot na adlib.

Sayang, hindi isinama sa bagong palabas na Confessions of a Torpe si Empoy na bida rin si Ogie. Mas makapagbibigay ng saya ang cast kapag naroon din si Empoy kasi puwedeng pampagulo siya sa kanilang istorya.

Hindi naman siguro takot sina Wendell Ramos, Bayani Agbayani, at Jojo Alejar, pati na si Ogie, na masapawan ang kaguwapuhan nila ni Empoy sa pagsisimula ng Confessions of a Torpe ngayong Lunes ng gabi.

Dingdong pinipiga ang anak na maging magaling na singer

Kung ibang bata siguro ang anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza ay malamang ma-stress na si Jayda dahil sa pressure na demand ng daddy niya na dapat hindi lang sapat na marunong kumanta, kundi maging magaling na singer.

Iminulat kasi ni Dingdong sa anak na magaga­ling na singers sila ni Jessa. Katuwiran ni Dingdong, habang mas maaga, at least, alam na ni Jayda ang kanyang pressure. Pero guided naman daw niya ito kaya isa sa bonding moments nilang mag-ama, kasama si Jessa, ang walang sawang kantahan portion sa bahay nila.

At least daw ngayon pa lang nakikita na nina Dingdong at Jessa na may magmamana na ng trono nila. So, may papalit nang Phenomenal Diva kay Jessa. Pero proud si Dingdong dahil may sariling style raw si Jayda na pinaghalong birit ng galing din ng kanyang Mommy Jessa.

 

vuukle comment

BAYANI AGBAYANI

DINGDONG AVANZADO

EAT BULAGA

EMPOY

GLORIA DIAZ

JAYDA

JESSA

OGIE

PERO

TORPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with