^

Pang Movies

Pantasya ni Vice kay Ejay, naglaho na!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nawala na ang elya ni Vice Ganda kay Ejay Falcon. Hindi naman niya itinanggi na pinagpapantasyahan niya ang aktor nung hindi pa sila nagiging magkaibigan.

“Super bet ko talaga si Ejay nung hindi pa kami magkaibigan. Pero ngayong kaibigan ko na siya, wala na. May problema ako sa ganyan eh. ’Pag naging close sa akin ang isang lalaki, nawawala na ’yung malisya ko.

“’Pag naging friend ko na, nahihiya na ako. ’Pag hindi kasi pinagpapantasyahan ko pa. Si Ejay, friend ko kasi siya kaya lost na lahat ang pantasya ko,” rason ni Vice sa pasasalamat niya sa press dahil sa success ng festival movie niyang Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

Umiwas nga lang magkomento si Vice tungkol sa nangyari kina James Yap at kaibigang Kris Aquino.

 â€œMasaya si Kris ngayon sa buhay niya kaya siguro dedma siya sa nega. Gusto niya positibung-positibo. Wala namang masama sa ginawa niyang pakikipag-ayos. Mas maraming blessings ang mai-imbibe mo ’pag tama ang ginagawa mo,” saad ng komedyante.

Naikuwento rin ba ni Kris sa kanya ang pagiging semi-brokenhearted?

 â€œOo nasi-share niya. Baka pagalitan niya ako at hindi na niya ako i-trust! Hahaha! Nabuking ko lang. Basta. Kay Kris na lang. Pagagalitan na naman niya ako. Hahaha!” iwas niya.

Naungkat din sa pasasalamat na ’yon ang naging tampuhan nila ni Karylle. Ayon kay Vice, nagsimula ’yon sa hindi pagdalo ng co-host sa victory party ng Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

Sabit din ang boyfriend ni Karylle na si Yael Yuzon na against pala sa pakikapag-love team ek-ek ng dyowa kay Vice. Eh, ayon sa komedyante, humi­ngi na ng sorry si Karylle pero para sa kanya ay trabaho na lang ang lahat dahil ayaw niyang maging peke ang dating sa show na kunwari ay okay na okay sila ni Karylle, huh!

Next week, lalayas muna ng bansa si Vice para sa kanyang US Concert Tour na magsisimula sa San Francisco, California.

Kylie ‘kabayuhan’ ang advance na birthday gift kay Aljur

Naka-post sa YouTube channel ni Kylie Padilla ang romantikong Valentine nila ng boyfriend na si Aljur Abrenica na nag-horseback riding sila sa Tagaytay.

So, may kabayuhang naganap sa kanila ni Aljur?

 â€œHahaha! Panoorin na lang ninyo!” natatawang sabi ni Kylie sa pocket interview ng fantaserye niyang Adarna.

Aminado siyang sweet si Aljur kaya hindi nawala ’yun nung nasa Tagaytay sila. ’Yung horseback riding na iyon ay wala sa plano.

“Kailangan ko kasing maglabas ng episode sa YouTube channel ko. Naisip ko ’yong episode for Valentine’s. Ang unang plano ko ay i-treat siya kasi mawawala ako ng isang buwan. Australia ako for one month. Mawawala ako kaya ’yon ang pinagplanuhan ko sa kanya. Bale advance birthday gift ko ’yon! Advance na lahat,” dahilan ni Kylie.

 

vuukle comment

AKO

ALJUR

ALJUR ABRENICA

BAKLA

CONCERT TOUR

HAHAHA

KARYLLE

NIYA

PAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with