^

Pang Movies

Angel at Marian pagsasalpukin

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - May nagsa-suggest, bakit daw hindi pagsabayin ang mga bagong teleserye nina Marian Rivera ng GMA at Angel Locsin ng ABS-CBN? Para raw magkasubukan ang dalawang iniintriga kung sino ba talaga ang reyna sa kanila.

Malimit mag-shooting ngayon si Marian sa Barangay Pinagbarilan sa Baliuag, Bulacan para sa Carmela na ka-love team si Alden Richards.

Guwapo si Alden at nakakaarte pa kaya siguro hindi nakapalag si Marian noong sabihing sila ang magtatambal sa bagong serye.

Joyce dedma na sa ex-BF na sa iba na na-in love

Walang pakialam si Joyce Ching kahit magkasama silang muli ng ex-boyfriend niyang si Kristoffer Martin sa bagong teleserye ng GMA.

Dedma lang ang singkit na teen star kahit ang kasama ng aktor bilang ka-love team ay ang bagong girlfriend na si Kim Rodriguez. Sweet malimit sa set sina Kristoffer at Kim.

Sabi naman ng young actor, walang problema dahil nagkaayos na sila ni Joyce bago nagkahiwalay. Trabaho lang daw at walang personalan.

Rocco nag-iisip na ng Valentine gift kay Lovi

Malayo pa ang February pero pinag-iisipan na ni Rocco Nacino kung ano naman ang ibibigay sa love niyang si Lovi Poe. Sinasabing nagka-debelopan ang dalawa sa Akin Pa Rin ang Bukas.

Sino naman ang hindi mai-in love kay Lovi? Ang kaso lang ay nakabitin pa ang tugon ng aktres kung sila na nga bang dalawa ni Rocco.                                                                                    

vuukle comment

AKIN PA RIN

ALDEN RICHARDS

ANGEL LOCSIN

BARANGAY PINAGBARILAN

JOYCE CHING

KIM RODRIGUEZ

KRISTOFFER MARTIN

LOVI

LOVI POE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with