^

Pang Movies

Bong may pasasabugin!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kahapon ng tanghali, sa kauna-unahang pagkakataon pagkatapos ma-involve sa isang matinding matinding kontrobersiya, ay humarap ang mag-asawang Sen. Bong Revilla, Jr. and Rep. Lani Mercado sa entertainment press.

Na-miss din ng showbiz industry ang mag-asawa at ramdam na ramdam ang pagkawala nila talaga lalo na nitong nagdaang Kapaskuhan dahil ngayon lang nangyari na wala silang entry for Metro Manila Film Festival (MMFF).

 Maging si Sen. Bong ay aminado na ikinalulungkot nga rin nila na hindi sila nakasali sa MMFF at na-miss daw niya talaga ito.

Hindi naman kaila sa lahat ang napakabigat na pagsubok na dumating kay Sen. Bong bago magtapos ng taon — nasangkot siya sa pork barrel scam at sinampahan pa ng kaso. Napakasakit nito para sa kanya kaya naman hindi rin naiwasang maging emosyonal ng aktor/pulitiko kahapon habang nagsasalita siya tungkol dito.

“I wanna take this opportunity,” simula ni Sen. Bong,  â€œupang magpasalamat, kaya tayo nagtitipun-tipon ngayon, parang get together nating muli.”

 Inanunsiyo ni Sen. Bong na sa Jan. 20 ay magsasalita na siya sa Senado at sasabihin daw niya kung ano ang katotohanan. Dapat ay noon pa pero duma­ting daw ang sunud-sunod na kalamidad at naging abala rin sila sa pagtulong sa mga nasalanta at hindi na rin nila ipinagsabi ang tungkol dito.

“The truth will set us free. Ang masasabi ko lang, sana ay unawain ng sambayanan kung bakit hindi agad ako nakapagsalita tungkol sa issue.

“Ang hinihiling ko lang sa sambayanan, sana ay pakinggan kami at sasabihin ko kung ano ang totoo,” pagtatapos ni Sen Bong.

vuukle comment

BONG

BONG REVILLA

DAPAT

INANUNSIYO

JAN

JR. AND REP

LANI MERCADO

METRO MANILA FILM FESTIVAL

SEN BONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with