^

Pang Movies

Justin Bieber bibisitahin ang Tacloban

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Kumalat kahapon ang balita na darating sa Pilipinas si Justin Bieber sa linggong ito. Ayon sa mga report, bibisitahin ni Justin ang mga kababayan natin sa Tacloban City na nasalanta nang todo ng typhoon Yolanda.

Ikinatuwa ng fans ni Justin ang ba­lita pero maniwala lamang tayo kapag naririto na siya sa Pilipinas. Alam n’yo naman, maraming tao ang nagkakalat ng maling tsismis dahil kaligayahan na nila ang mang-okray ng kapwa.

In fairness kay Justin, nagpahayag siya ng pakikiramay sa mga Pilipino nang malaman niya ang matinding kala­mi­dad na kumitil ng maraming buhay at sumira sa libu-libong ari-arian. Kung matutuloy ang pagdalaw ni Justin sa Pilipinas, second time na ito dahil nag-concert na siya sa Mall of Asia (MOA) Concert Grounds noong May 2011.

Bagets na bagets pa si Justin nang mag-perform sa MOA. Ngayon, mamang-mama na siya at tadtad ng tattoo ang buong katawan. Pareho na sila ni Charice na sangkatutak din ang mga tattoo.

Teka, bakit nga ba dedma ang madlang-ba­yan sa isyu na nag-attempt na magpakamatay si Charice dahil hindi ito happy sa takbo ng kanyang career? Big issue ang balita pero imbes na makisimpatiya sa international Pinay singer ang mga tao, nilait pa siya. How cruel ’di ba? Si Justin ang topic ko pero biglang napunta kay Charice. Ano ba ’yan?

Phoemela tinitira ng below the belt, buhay kinakalkal!

Biktima pa rin ng bashing si Phoemela Ba­ran­­da dahil sa paglilinaw niya tungkol sa eskandalo na kinasangkutan nila ni Anne Curtis noong Nov. 23.

Nakakaloka ang mga below the belt na banat kay Phoemela dahil pati ang personal na buhay niya, kinakalkal ng kanyang mga basher.

Mas makabubuti na huwag nang magbasa si Phoemela ng mga com­ment dahil tiyak na masisira ang kanyang araw. Think positive na lang.

Glenda Garcia maraming payo na makukuha kay Liezel Martinez

May breast cancer ang character actress na si Glenda Garcia pero maganda ang pag­tanggap niya sa kanyang karamdaman.

Breast cancer survivor si Liezel Martinez, ang asawa ni Albert Martinez. Walang mawawala kung hihingi ng payo si Glenda kay Liezel na siguradong maraming maibabahagi sa kanya.

Sa pagkakaalam ko, malaki ang naging tulong ng stem cell thera­py sa paggaling ni Liezel. Hindi na kailangan ni Glenda na pumunta sa ibang bansa dahil ginagawa sa isang ospital sa Metro Manila ang stem cell therapy.

Chito at Neri parehong umaarangkada

Positive ang effect kay Neri Naig ng sex video nila ng kanyang boyfriend na si Chito Miranda.

Muling napansin si Neri kaya nagkaroon siya ng bagong drama series sa isang TV network. Makulay ang buhay ni Neri na na-link noon sa isang powerful personality. Apparently, tapos na ang chapter na ‘yon ng kanyang buhay dahil happy na siya sa piling ni Chito.

Parehong visible ang magdyowa. Starring si Neri sa isang teleserye at si Chito naman ang kumanta ng theme song ng 10,000 Hours, ang pelikula ni Robin Padilla na official entry sa Metro Manila Film Festival 2013.

Hindi na pinag-uusapan ang sex video scandal nina Neri at Chito. Nalaos na rin ang isyu ng video scandal ni Wally Bayola na hindi pa malinaw kung kailan magiging active sa showbiz. Pansamantalang tinalikuran ni Wally ang showbiz nang kumalat ang sex video nila ng isang dancer ng EB Babes.

                                                  

 

vuukle comment

CHARICE

CHITO

DAHIL

GLENDA GARCIA

JUSTIN

LIEZEL MARTINEZ

NERI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with