^

Pang Movies

Andi ayaw basta-basta pumatol

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Masaya ang last presscon ng When the Love is Gone na dinaluhan nina Alice Dixson, Cristine Reyes, Andi Eigenmann, scriptwriter Keiko Aquino, Direk Andoy Ranay, at creative producer Wenn Deramas. Wala si Gabby Concepcion na nasa San Francisco, California pa at babalik sa Nov. 25, in time sa premiere night nila sa Nov. 26, 4:00 p.m., sa Glorietta 4, at 8:00 p.m. sa SM Megamall Cinema 9. 

Story ito nina Cassie (Cristine) at Emman (Gabby) na may loveless relationship sa kani-kanilang asawa kaya na-in love sila sa isa’t isa. Kaya ang tanong, ano ang gagawin nila kung kaharap na nila ang kabit ng kanilang asawa?

Si Andi, dedma na lamang at hindi bababa sa kanyang level pero sa movie sinampal niya ng pie cake si Cristine nang ma-meet niya ito. Si Alice,’di harap-harapang kokomprontahin pero kung noong bata-bata pa raw siya, she will do something bad dahil hindi niya mapipigilan ang kanyang emosyon at hindi mo malalaman kung ano ang gagawin niya. Hindi naman confrontational si Cristine at wala siyang gagawin. Si Direk Andoy sasapukin niya, pag-uuntugin ang dalawa at palalayasin niya.  

Ikinuwento rin ni Direk Andoy kung saan-saan ginawa nina Gabby at Cristine ang nine love scenes nila pero meron din si Cristine with Jake (Cuenca). Pero pareho raw very professional ang dalawa sa paggawa ng love scenes nila.

Naitanong naman kay Direk Wenn kung totoong nagkabalikan sila ng aktor na matagal niyang nakarelasyon. Wala raw katotohanan, walang balikang naganap, pero naging friends na sila ngayon. May bago na rin siyang boyfriend, non-showbiz.

Mark Anthony payag gumanap na beki kasama si Kempee

May revelations naman si Mark Anthony Fernandez nang makausap namin sa pocket interview ng bago niyang primetime drama na Rhodora X with Jennylyn Mercado, Mark Herras, at Yasmin Kurdi. Bida-kontrabida raw siya sa story at nanonood lamang siya sa love triangle ng tatlong kasama. 

Nabiro si Mark Anthony kung kaya niyang gawin ang gay roles nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa My Husband’s Lover? Payag daw siya kung si Keempee de Leon ang partner niya, hanga siya kay Keempee kapag gumaganap itong isang beki. Si Dennis kasi, ang hindi niya malilimutan ay ang mahusay na pagganap nito sa Aishite Imasu.

No problem kay Mark Anthony ang mga role na ibinibigay sa kanya. Natuwa siya nang gawin siyang kontrabida sa Genesis, isang New People’s Army (NPA) member na in love kay Shiela (Lauren Young). 

Nabanggit tuloy ng aktor na humahanga siya sa Kapuso young actress na si Yassi Pressman at suwerte raw ng boyfriend nitong si Sef Cadayona. Sa ngayon, 14 years old na ang daughter niyang si Chelsea, 15 naman si Jolo, at 13 si Cameron Gray na siyang may hilig mag-artista, anak nila ng wife na si Melissa.

 

 

vuukle comment

AISHITE IMASU

ALICE DIXSON

ANDI EIGENMANN

CAMERON GRAY

CRISTINE

CRISTINE REYES

DENNIS TRILLO

MARK ANTHONY

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with