^

Pang Movies

Thea si Tom naman ang gusto

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Nakakuwentuhan namin si Thea Tolentino, bida ng teleseryeng Pyra: Babaeng Apoy at inaming nakatutok sa kanya ang acting coach na si Ann Villegas sa mga eksenang nagagalit siya at lumalabas ang apoy.

Eh kumusta naman ang love life niya?

‘‘Type ko na si Tom Rodriguez at ipinauubaya ko na si Dennis Trillo, dating crush ko, kay Barbie Forteza. Hanggang crush lang naman ako at ang kilig-kiligan sa kanya nun,’’ sagot ni Thea.

Inamin nito na hindi nanliligaw sa kanya ang kaparehang si Jeric Gonzales. Barkada lang daw sila at maganda ang kanilang working relationship.

Nag-iipon siya ng pera para makabili ng brand new van. Sa ngayon, hatid-sundo si Thea ng service van ng GMA 7 kapag may taping ng Pyra.

Nanalo ng condo unit bilang premyo as grand winner ng Protégé: The Battle for the Big Artista Break si Thea pero hindi natitirhan dahil malayo kaya nagre-rent ng condo unit somewhere in Timog, Quezon City.

Elmo nagpapaka-faithful kay Lauren

Kahit magkapareha sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez, at may nang-iintriga na baka may mamuong relasyon dahil parati silang magkasama sa Villa Quintana, ay umiiling ang young actor. Faithful siya sa nobyang si Lauren Young na bida naman ng Dormitoryo.

Pero kahit magkarelasyon si Elmo at ang kapatid ng Miss World 2013 ay tutok pa rin ang dalawa sa kani-kanilang career. Nagsisilbi lang inspirasyon ang bawat isa sa kanilang trabaho.

Angel hindi pa nakakalimutan ni Phil

Kahit nagbigay na ng official statement si Angel Locsin tungkol sa paghihiwalay nila ni Phil Younghusband ay ’di pa rin siya nakakalimutan ng ex-boyfriend nito. Hindi pa rin tinatanggal ng football player ang profile picture sa kanyang Twitter account na kasama ang magandang aktres. Kabaligtaran dahil wala na sa Twitter account ni Angel ang photo ni Phil.

Parehong busy ang dalawa lalo na ang aktres dahil sa bagong teleseryeng The Legal Wife na makakasama sina Jericho Rosales, Maja Salvador, at JC de Vera.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ANN VILLEGAS

BABAENG APOY

BARBIE FORTEZA

BIG ARTISTA BREAK

DENNIS TRILLO

ELMO

ELMO MAGALONA

THEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with