^

Pang Movies

Nadala kay Heart? Daniel ayaw na sa babaeng materialistic

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kasama si Daniel Matsunaga sa pelikulang She’s the One starring Bea Alonzo, Enrique Gil, and Dingdong Dantes under Star Cinema kaya nang matanong ang buong cast kung sino sa tingin nila ang “she’s the one” para sa kanila, umamin ang guwapong Brapanese hunk na akala raw niya ay si Heart Evangelista iyon.

Naging girlfriend ni Daniel si Heart at akala nga rin ng iba noon ay sila na ang magkakatuluyan.

Sa ngayon daw ay wala pa siyang masasabi na talagang “the one” at baka it will take time pa dahil mas gusto niya na kinikilala muna ang girl.

Nang matanong naman kung si Kris Aquino ang “the one,” natawa ulit si Daniel.

“Hindi totoo ang tsismis na ’yan. Hindi po totoo,” mabilis niyang sagot.

Masasabi raw niyang “she’s the one” na ang isang girl kapag kinukumpleto nito ang kanyang pagkatao mula sa kanyang worst hanggang sa kanyang best.

Lastly, ang gusto niya sa isang babae ay hindi ma­terialistic, hindi mukhang pera, at maka-Diyos.

Dawn pilit na isinasabong kay Maja

Kahit ilang beses nang ipinaliwanag ng Star Ma­gic talent na si Dawn Jimenez na walang nama­magitan sa kanila ni Gerald Anderson, ayaw pa rin siyang tantanan ng kanyang mga detractor na hinihinalang fans ni Maja Salvador.

Hindi na lang niya pinapansin ang mga nababasang negative comment sa kanyang Twitter at Instagram account na ikino-compare pa sila ni Maja.

Good thing naman at marami ring supporters at tagahanga si Dawn na ipinagtatanggol din siya mula sa mga basher kaya labis siyang nagpapasalamat sa mga ito.

Kaysa magpaapekto sa mga nega­tibo, mas gusto ni Dawn na magpaka-busy na lang sa kanyang trabaho lalo na ngayong may bago siyang movie with En­chong Dee na magsisimula nang mag-shooting ngayong Nobyembre.

Matatandaang si Dawn ang kontrobersiyal na leading lady ni Gerald sa On the Job na nagkaroon sila ng mati­tinding love scenes at naging dahilan para ma-link sila sa isa’t isa.

Gerald at Diana lumabas ang husay

Sa kabila ng late timeslot ng Bukas na Lang Kita Mamahalin, waging-wagi pa rin sa ratings ang teleseryeng pinagbibidahan nina Gerald Anderson, Cristine Reyes, at Dawn Zulueta with Rayver Cruz, Diana Zubiri, Dina Bonnevie, at Tonton-Gutierrez.

Base sa datos mula sa Kantar Media noong Miyerkules (Oktubre 9), pumalo sa 12.9% national TV ratings ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin o anim na puntos na lamang kontra sa katapat nitong programa.

Kudos to Gerald dahil sa husay ng performance na ipinapakita niya sa teleseryeng ito at maging sa iba pang cast. Lahat sila ay mahuhusay. Si Diana as Carla ay ngayon lang namin nakita sa ganito kahusay na portrayal.     

       

 

vuukle comment

BEA ALONZO

BUKAS NA LANG KITA MAMAHALIN

CRISTINE REYES

DAWN JIMENEZ

DAWN ZULUETA

DIANA ZUBIRI

DINA BONNEVIE

GERALD ANDERSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with