^

Pang Movies

Tribute kay Francis M. pasok na sa MMFF

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kinumpirma ni Sef Cadayona na official entry na ang kanilang Kaleidoscope World sa coming 39th Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December. Nagpasalamat siya sa executive committee ng MMFF na ang pelikula na ginawa nila in honor sa King of Rap na si Francis Magalona ay tuluyan nang maipalalabas. 

Kasama ni Sef sa movie ang girlfriend niyang si Yassi Pressman. Kabilang din sina Pia Pilapil at Alma Concepcion sa pelikulang idinirek nina Gorio Vicuna at Liza Cornejo.

Ronnie Liang naka-recover na sa mga pangit  na pinagdaanan

Labis ang pasasalamat ng actor-singer na si Ronnie Liang sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya after niyang mag-sign ng contract sa Viva Artist Agency at sa suportang ibi­nibigay sa kanya nina Boss Vic del Rosario at Veronique del Rosario-Corpus. Isa sa blessings na dumating sa kanya ang pagtanggap niya ng Gold Record award para sa kanyang second album na May Minamahal na ang carrier single ay ang remake niya ng acoustic ballad na Akala Mo ni Aiza Seguerra. Personal itong tinanggap ni Ronnie sa isang presscon sa Viva office mula kina Veronique at Viva Records Marketing Manager MG Mozo.

May mall shows din ang singer to promote the album at may series of shows siya sa Hawaii kasama si Cristine Reyes, sa Pacific Beach Hotel sa Oct. 11, Baldwin Theater in Maui on Oct. 12, at Kuai Community Center on Oct. 13.

Papasukin na rin ni Ronnie ang paggawa ng sexy movie. Gagawin daw niya kung ano ang hinihingi ng script at pinaghandaan niya at nag-workshop siya para sa role na gagampanan niya sa Object of Desire na dinidirek ni Elwood Perez for Viva Films. Ayaw pa lamang ipasabi kay Ronnie kung sinu-sino ang makakasama niya sa pelikula.

Inamin din ni Ronnie na nakaka-recover na siya mula sa mga hindi magandang pinagdaanan niya at ng kanyang career. Nami-miss nga niya ang mga kasama niya noon sa Pinoy Dream Academy. Ang iba ay sa Facebook na lamang ang communication nila.  Pagdating sa love life, five years na rin sila ng girlfriend na naka-base sa States, na basta may free time siya ay dinadalaw niya. Sa ngayon busy siya kaya hindi niya nadadalaw. 

The other day, nag-join si Ronnie, kasama ang kapwa singers na sina Bugoy, Lizelle, at Miguel sa Minute to Win It at nanalo sila ng may P345,000.

Megan Young ipinagdarasal!

Big day ngayon sa GMA 7 dahil after ng Startalk, ang second episode ng Bi­ngit na gagampanan ni Katrina Halili ang ina ng batang nailigtas sa paglubog ng barko sa Masbate. Susundan ito ng Wish Ko Lang, One Day Isang Araw, Magpakailanman with Camille Prats and Yul Servo, Cele­brity Bluff ni Eugene Do­mingo, at ang hinihintay na Miss World coronation night mula sa Indonesia. 

Maraming nagdadasal sa ating Miss World Phi­lippines representative na si Megan Young na siyang mag-uuwi ng mailap na korona sa bansa. Pumunta ang sabi’y boyfriend ni Megan na si Mikael Daez and her sister Lauren and family to support her.

 

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

AKALA MO

ALMA CONCEPCION

BALDWIN THEATER

MEGAN YOUNG

NIYA

RONNIE

RONNIE LIANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with