^

Pang Movies

Comedians na walang trabaho puwede kay Michael V.!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kuntento na si Michael V. Nakaka-move on na sila sa Bubble Gang kahit nilayasan na ni Ogie Alcasid. Nabigyan tuloy ng break ang ibang kasamahang komedyante sa Kapuso gag show, tulad nina Bentong, Diego, Moymoy Palaboy, Paolo Contis, at iba pa. Mahalaga lang talaga na maghanap ng mga bagong joke.

Maraming komedyanteng walang raket ngayon. Puwede silang kunin para makadagdag tawa sa mga manonood, ’di ba, Michael V.? Nakakasawa kasi kapag paulit-ulit na lang ang napapanood. Iba naman, marami pa sila riyan.

 Ipakita rin sana na hindi mukhang sa iisang silid lang nagaganap ang bawat taping ng Bubble Gang para mas maganda.

Mike Magat relihiyoso na, dedma muna sa mga babae

Masaya ang birthday ni Mike Magat (Sept. 22). Marami kasing raket ngayon ang aktor. Karamihan, mga basketball game, kasama ng ibang tropang artista, na dumadalaw sila sa iba’t ibang probinsiya.

Suwerte si Mike, napasama sa My Husband’s Lover na patok ngayon. Kapareha roon ni Mike si Karel Marquez. Aktibo ang aktor sa kanyang religious activities. Etsapuwera muna raw ang chicks na nangungulit sa kanya sa cell phone.

                                             

vuukle comment

AKTIBO

BUBBLE GANG

KAREL MARQUEZ

MICHAEL V

MIKE MAGAT

MOYMOY PALABOY

MY HUSBAND

OGIE ALCASID

PAOLO CONTIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with