^

Pang Movies

Aktor nawindang sa malaswang joke!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nawindang ang isang aktor nang makatanggap siya ng tweet sa kanyang follower tungkol sa kabastusan. Sa dinami-rami ng kanyang followers, tanging ang tweet na ’yon ang nakasira ng kanyang araw, huh!

Eh masyado pa namang prude ang aktor basta sa mga green joke. Lalo na nga’t Born Again Christian pa naman siya.

Naiparating naman ng aktor ang kanyang pagkainis sa natanggap na tweet. For sure, blocked na ang follower niyang ito sa listahan.

BF ni Bela maghahanda ng reklamo sa writer na nag-gatecrash sa shooting

Maglalabas na lamang muna ng official statement si Neil Arce, ang isa sa producers ng 10,000 Hours ni Robin Padilla at boyfriend ni Bela Padilla kaugnay ng reklamo sa kanya ng reporter na si Joey Sarmiento.

Gusto mang pagbigyan ni Neil ang mga ibang writers at TV shows na humihiling na kunin ang side niya sa story, nirespeto niya ang sinabi ng kanyang lawyer. May inihahanda rin kasing reklamo si Neil laban kay Joey kaya mas maganda nga naman ‘yung maayos muna lahat ng kailangang papeles bago siya magsalita.

Mag-ingay man ang reporter at maghanap ng kakampi, basta na lang siya pumunta sa shooting na walang imbitasyon. Hindi niya puwedeng idahilan na napadaan lang siya’t nakitang may shooting kaya pinasok niya ang location na pag-aari ng pamilya ni Neil.

Aasikasuhin munang lahat ni Neil ang buwelta niya kay Joey bago siya umalis patungong Amsterdam, Netherlands para sa shooting ng pelikula.

 

vuukle comment

AASIKASUHIN

BELA PADILLA

BORN AGAIN CHRISTIAN

JOEY SARMIENTO

MAGLALABAS

NAIPARATING

NAWINDANG

NEIL

NEIL ARCE

ROBIN PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with