^

Pang Movies

Althea halos isang oras sumabak sa hubaran

FREE LANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Hindi kami magtataka kung bakit sunud-sunod ang proyekto ni Althea Vega at paborito siya ng indie films. Wala kasi itong kiyeme pagdating sa hubaran at propesyonal pa.

Malaking bentahe na kahawig siya ni Tetchie Agbayani dahil morena beauty din siya at medyo singkit. Inihahalintulad din ang aktres kay Ryzza Mae Dizon. Okay lang kay Althea dahil gusto niyang maging guest sa The Ryzza Mae Show para makita sa personal ang child star-TV host.

After Bayang Magiliw, bida na si Althea sa Amor y Muerta (Love and Death) na kasali sa Director’s Showcase category sa 9th Cinemalaya Independent Film Festival sa direksiyon ni Ces Evangelista.

“Sobrang intense ang love scenes ni Althea at tuluy-tuloy ang kanilang romansa ni Markki Stroem na umabot ng 47 minutes. May breast exposure si Althea. Kinunan ito noong 16th century kung saan ang mga babaeng mala-Maria Clara ay kimi sa love scenes pero daring sila at explosive na bagay sa character ni Althea,” sabi ni Ces.

Si Althea ay alaga ng DMV Entertainment ni Direk Manny Valera.

Alex kakalabanin na si Ping

Isa rin sa mga alaga ni Direk Manny Valera si Alex Medina na anak ng mahusay na character actor na si Pen Medina at nakababatang kapatid ni Ping. Napanood namin siya sa Palitan kung saan nanalo ito bilang best actor sa Cinema One Originals noong 2012.

Bida ngayon si Alex sa Babagwa (The Spider’s Lair) na kasali sa New Breed Full-Length Category sa 9th Cinemalaya Independent Film Festival. Ang karakter na gagampanan nito ay isang Internet scammer na na-in love sa isang matandang dalaga na ginampanan naman ni Alma Conception. Ito’y sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana at gala screening sa July 28 sa Main Theater sa Cultural Center of the Philippines.

Masayang ibinalita ni Alex na makakatunggali niya ang kapatid na si Ping sa best actor category na bida naman ng Transit.

Payag siyang gumanap na bading pero alinlangan kung papayag siyang makipaghalikan sa kapwa lalaki. Busy sa paglabas sa telebisyon si Alex kung saan nakasama siya sa Ina, Kapatid, Anak bilang anak ni Cherry Pie Picache. May guest role rin siya sa My Little Juan.

Kabi-break lang ni Alex sa non-showbiz girlfriend. At crush daw niya sina Anne Curtis at Jessy Mendiola. Meron siyang banda, ang Alex in Wonderland, at may gig sila sa ilang bars sa Quezon City.

 

vuukle comment

AFTER BAYANG MAGILIW

ALEX

ALEX MEDINA

ALMA CONCEPTION

ALTHEA

ALTHEA VEGA

ANNE CURTIS

CES EVANGELISTA

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

DIREK MANNY VALERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with