^

Pang Movies

Ritz naaasiwang i-display ang mala-papayang boobs

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Ang sexy pala at malaki ang boobs ni Ritz Azul in person at take note hindi peke ang laki ng dibdib ng teen actress dahil halos nakaluwa na ang mala-papayang boobs ng prinsesa ng TV5 habang rumarampa sa harap ng maraming bisita at entertainment press na dumalo sa grand presscon ng Misibis Bay. Ito ang bagong panonoorin sa TV5, controversial sexy-drama mini-series na tampok sina Ritz, Christopher de Leon, Boots Anson Roa, Vivian Velez, Daniel Matsunaga, Victor Silayan, Luke Jickain, at Vin Abrenica, at iba pa.

Sabi ni Ritz, sobrang asiwa siya ng gabing iyon sa seksing damit niya pero no choice siya dahil sa nasabing mini-series na mapapanood na bukas, July 1, alas-otso ng gabi, ay talagang sexy role ang gagampanan niya. Mang-aakit siya ng lalaking hahango sa kahirapan nilang mag-lola (Boots) na si Boyet naman ang mayamang oldie na may tatlong anak na lalaki ang na-in love sa kanya.

Daiana kailangang maipahinga ang isip

Parang naguguluhan daw yata ang magandang Brazilian model-TV persona­lity na si Daiana Menezes na asawa na ng isang solon sa nangyari kamakailan.

Lately ay naging maingay si Daiana na problematic sa buhay may-asawa. Bakit daw ’di muna magbakasyon ang magandang Braziliana sa kanilang bansa? Tutal nasa bansa ang mama niya, pag-alis nito ay sumama na lang daw siya para mapahinga muna ang kanyang isip.

Maiiwan ba niya ang asawa sa ganung kalagayan ngayon?

T3 walang kinatatakutan

Matindi talaga ang T3 — ang magkakapatid na Tulfo, sina Erwin, Raffy, at Ben. Sila ang mga tagapagtanggol ng mga naaapi, mga kinakawawa, mga pinoposasan ng pulis, mga nagsusumbong, at iba pa.

Nang tanungin namin ang T3 (Reload, Aksyon), kung hindi ba sila natatakot o wala pang death threat eh parang wala lang sa magkakapatid. Basta ang katuwiran nila, sila ay may dahilan at laging nasa isip nila ang makatulong sa mga taong walang kalaban-laban at tinatakot. Sa tatlo, parang si Ben Tulfo ang pinaka-walang kinatatakutan.

vuukle comment

BEN TULFO

BOOTS ANSON ROA

DAIANA

DAIANA MENEZES

DANIEL MATSUNAGA

LUKE JICKAIN

MISIBIS BAY

VICTOR SILAYAN

VIN ABRENICA

VIVIAN VELEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with