^

Pang Movies

Dahil sa stalker, drama actor nag-hire ng security!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi kataka-takang may mga security na ngayon ang drama actor dahil pinoprotektahan siya ng mga ito sa kanyang stalker. Isang babae raw ang stalker. Nag-umpisa raw ito bilang fan lang na laging bumibista sa taping nila.

Magiliw naman daw siyang hinaharap ng drama actor at panay ang dala ng naturang fan ng mga pagkain para sa kanyang idolo. Pero nauwi na nga raw sa obsession ang pagiging fan nito at ang ending ay isa na itong stalker.

Nagulat na lang ang aktor nang malaman niyang sinundan pala siya pauwi ng kanyang fan kaya nalaman ang bahay niya. Nakakatanggap na siya ng mga tawag sa bahay at minumura-mura na ang misis niya.

Nakailang palit na raw sila ng phone number hanggang sa ipaputol na lang nila dahil laging nalalaman ng kanyang stalker. Nagpalit na rin siya ng cell phone number niya at kapag may anonymous caller siya ay hindi niya ito sinasagot.

Mas lalong natakot ang drama actor nang magkuwento ang kanyang anak na may lumapit sa kanya na isang babae sa school at nagtanong tungkol sa kanya. Mabuti na lang daw at nakita ito ng security guard at pinaalis ang babae.

Kaya nag-hire na rin ng security ang drama actor para sa kanyang anak dahil natatakot ito na baka kung ano ang gawin ng stalker.

Sa kanyang taping ay bawal lapitan si drama actor kung walang approval nito. Nag-iingat lang siya dahil takot din sa kung ano ang puwedeng gawin ng kanyang obsessed stalker.

Vivian Velez balik-acting sa Misibis Bay

Muling nagbabalik sa telebisyon ang tinaguriang Miss Body Beautiful noong ’70s na si Vivian Velez via the new sex and revenge series ng TV5 na Misibis Bay.

Hindi nakaabot sa story conference ng Misibis Bay si Ms. Vivian dahil naipit ito sa traffic. Nanggaling pa raw kasi ito sa airport at inabot na siya ng matinding traffic.

Pero nagparating naman siya ng mensahe na natutuwa siyang magtrabaho ulit sa TV dahil matagal din daw siya nabakante at puro ang mga negosyo niya ang kanyang inasikaso.

Sa teleserye ng ABS-CBN na Imortal noong 2010 pa huling napanood ang aktres. May 11 years din siyang namahinga sa showbiz after doing Rio del Mar in 1999 for GMA 7.

Twilight stars hiwalay uli pero nagsasama pa sa isang bubong dahil sa aso

Naghiwalay na ulit ang Twilight stars na sina Kristen Stewart at Robert Pattinson. Ito ay pagkatapos nang magkabalikan ang dalawa mula nang mabunyag ang sikretong nakipagrelasyon si Kristen sa isang direktor na may asawa (Rupert Sanders) noong isang taon.

Ayon sa report, heartbroken si Kristen pero magkasama pa rin sila sa iisang bahay.

Huling nakita ang dalawa noong nag-attend sila sa Met Gala in New York.

Nabanggit pa ni Kristen sa naturang event na nagpaplano pa siya ng birthday party para kay Robert. Pero ayon sa reports ay hindi dumating si Robert sa na-organize na party ng girlfriend.

 

vuukle comment

DAHIL

KANYANG

KRISTEN

KRISTEN STEWART

MET GALA

MISIBIS BAY

PERO

SIYA

VIVIAN VELEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with