^

Pang Movies

Ginawang mukhang pulubi!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Nagpaubaya si JC De Vera kay Eula Caballero, ang itinuturing na prinsesa ng TV5, noong presscon ng bagong palabas ng Kapatid Network na Cassandra: Warrior Angel. Hindi na siya nang-agaw ng eksena. Pinabayaan na niyang ma­tuon ang pansin ng lahat kay Eula. Pero pumayag din naman siyang makipag-usap sa mga reporter na dumalo sa presscon.

Basta ang sinabi lang ni JC, pinag-iisipan pa niyang maigi kung ano ang magiging desisyon niya ngayong tapos na ang kontrata niya kay Annabelle Rama.

Nagpahaging si JC na sa loob ng 10 years na manager niya si Tita Annabelle ay ibinigay niya ang best niya kahit nga naipit pa siya sa awayan ng una kay Ms. Wilma Galvante na ngayon ay nasa TV5 na rin.

 Hindi rin niya pinapansin ang intriga na kaya  lumaylay ang kanyang career sa TV5 ay dahil din kay Mrs. Galvante. Sa katunayan ayon sa aktor, wala na silang problema ni Mrs. Galvante, at siya pa ang lumalapit pag nakikita niya ito.

Ipinagdarasal na lang ni JC na sana raw ay wala siyang makaaway dahil mas gusto niya ang mapayapang buhay. Pawang mga positibo ang kanyang gustong isipin para walang problema lalo na sa kanyang career dahil malaki raw ang na­ging epekto sa kanya nang magkaroon ng matinding away sa pagitan ng kanyang manager at ng executive noon ng GMA 7.

Hindi niya ikinakaila na nanghinayang siya sa kanyang career sa GMA 7. Pero feeling blessed pa rin daw siya sa kabila nang mga nangyari.

Thankful din si JC nang kupkupin siya ng TV5 at sa loob ng tatlong taong   pag-stay sa network ay naging maganda ang kanyang paglalakbay. Lalo raw siyang natutong umarte at nalinya pa siya sa singing at comedy na mahirap daw sa kanya dahil hindi siya komedyante lalo na sa Lokomoko.

Kahit nga tapos na ang kanyang contract last March sa network ay binigyan pa rin siya ng support role sa Cassandra. Gumaganap siyang bulag na malaking challenge sa kanya. Pinagbawas din siya ng timbang at pinagmukha siyang marumi kaya nagpatubo siya ng bigote at pinagulo rin ang style ng kanyang buhok para maging makatotohanan ang kanyang hitsura.

Eula Caballero puring-puri ni direk Eric

Dapat pumalakpak ang tenga ni Eula Caballero dahil puro papuri ang sinabi sa kanya ni Eric Quizon, isa sa mga director niya sa Cassandra: Warrior Angel.

Walang dudang bilib si Direk Eric kay Eula. Hinog na raw ito at pambida na talaga.

Kahit daw sa naunang palabas pa lang na Third Eye ay nakitaan na ni Direk Eric ng pagiging star si Eula.

 

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

DIREK ERIC

EULA

EULA CABALLERO

KANYANG

MRS. GALVANTE

NIYA

SIYA

WARRIOR ANGEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with