Isa sa mga bida sa Vagina Monologue gusto ring makapiling si president Noynoy
Tampok si Mae Paner sa indie film na Juan C the movie na iri-release ng Solar Entertainment Corporation. Isa siya sa naghahatid ng kasiyahan sa Vagina Monologue kasama si Monique Wilson.
Ang Juana Change ay isang sexy-political coÂmedy movie na tumatalakay sa mabibigat na issue ng bansa.
Napapanahon ito ngayon dahil halalan na.
Nang tanungin si Mae kung ano ang mas marumi para sa kanya-showbiz o politics, ang sagot niya ay ang mundo ng pulitika.
“Parang maraming magnanakaw dito at talamak ang korapsyon. Pero baka nagkakamali lang ako,†aniya.
Natawa kami sa tinuran nito na kung matutuloy ang pakikipag-date nila ni Pangulong Noynoy, dadalhin niya ito sa isang reform group meeting para makinig.
Anak nina Boyet-Sandy, walang planong tigilan ang pagsali sa beauty contest
Hindi man pumasok si Maria Angelica de Leon sa top five ng Bb. Pilipinas ay nagmarka naman sa mga manonood ang kaseksihan nito at galing sa pagsagot sa Q and A portion.
Ayon dito, hindi pa rin siya titigil sa pagsali sa beauty pageant balang araw dahil pangarap niya na maging isang beauty queen. Nag-aral si Mariel sa New Zealand at nang bumalik ay sumali na sa Bb. Pilipinas Beauty Pageant kung saan nakasama ito sa 15 finalists.
Brenan, kasama sa ASOP Grand finals ng UNTV
Tuwang-tuwa ang R&B singer na si Brenan Espartinez dahil nanalo at nakapasok ang ininterpret niyang kanta sa grand finals ng A Song of Praise (ASOP) Music Festival ng UNTV.
Ang komposisyon ni Raul Trinidad na may titulong Iniibig Kita Buong Puso at Kaluluwa na tinanghal na Song of the Month for April ang ikaapat na awit na naibigay kay Brenan para ma-interpret.
- Latest

























