^

Pang Movies

Roxanne pinaghahandaan ang future ng mga anak

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Happily married na ang dating Kapamilya turned Kapuso star na si Roxanne Guinoo. Nonshowbiz at isang Filipino-Chinese businessman si Elton Yap, ang kanyang napangasawa at mayroon na siyang dalawang anak dito — sina Raine Eliana (three years old, girl) at Rylle (four months old, boy).

Almost three years ding naging inactive sa showbiz si Roxanne dahil nag-asawa nga siya pero dahil hinahanap ng katawan niya ang limelight ay nagdesisyon itong maging aktibo muli sa showbiz. Very supportive naman ang kanyang asawa.

“Hindi naman siya selfish. Bilang wife and mother, may mga bagay na gusto kong gawin on my own. Ayaw kong masagasaan ang mga taong importante sa akin. Nirerespeto ko ang asawa ko at pamilya niya, ang pamilya ko,” saad ni Roxanne na bida sa bago programa ng GMA 7 na Home Sweet Home.

Wala raw siyang nakikitang magiging problema ngayong nagbalik siya sa showbiz dahil napaka-supportive sa career niya ng kanyang husband.

 â€œLaking pasasalamat ko sa kanya sa pag-aalala niya ’pag may trabaho ako, hands-on siya sa dalawang kids. He adjusts. We adjust to each other,” pagmamalaki pa ng nagbabalik na aktres.

 â€œMatagal na rin akong namahinga pero ako rin, nag-isip sa sarili ko na dahil may asawa’t anak na ako, iinisip ko na hindi naman ako mabibigyan ng project kaagad. Pero naniniwala ako na bukas pa rin ang pintuan para sa akin,” dagdag niya.

Ngayong married na raw siya ay napalaki rin ang kanyang pananaw sa buhay. Pinaghahandaan na niya ang lahat lalo na ang future ng kanyang mga anak.

 â€œThe most sana three kids kami pero saka na muna. Tutal, may boy and girl na ako. At hindi biro ang magka-anak. Hindi biro ang pag-discipline sa kanila,” say ni Roxanne na gumaganap sa role na Dulce, ang adorable wife ni Raymart sa Home Sweet Home.            

vuukle comment

AKO

AYAW

BILANG

ELTON YAP

HOME SWEET HOME

RAINE ELIANA

ROXANNE

ROXANNE GUINOO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with