^

Pang Movies

Sharon mas exciting ang bagong show

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinatunayan ni Sharon Cuneta ang pagiging magkaibigan nila ni Aga Muhlach. Personal siyang pumunta sa kampanya ng aktor sa Camarines  Sur. Tuloy na tuloy na sa pagtakbo si Aga sa naturang bayan. Malayo man, sadyang sinikap ni Megastar na makasipot para sa kanyang kapwa Kapatid star. Ibang klase talaga magmahal si Mega.

Magkakaroon uli siya ng show sa TV5 kay hindi totoong babalik siya sa Kapamilya. Higit na exciting kesa sa nakaraan niyang show na napuno ng mga the who ang mga ibinibigay na guests sa kanya para interbyuhin.

Liwayway angat na angat sa ibang dancers

Angat na angat sa grupong Sexbomb si Sandy Tolentino, sister ni Cheche, na ngayon ay binansagang Liwayway ni Willie Revillame sa Wowowillie. Talbog sila sa katawan at pagsasayaw ni Liwayway lalo’t namimigay ng pera sa winners.

Daniel walang kalaban

Walang ibig lumaban kay Bulacan Vice Governor Daniel Fernando sa darating na eleksiyon. Ganun din sa kasalukuyang Governor Willy Alvarado. Sobra pala ang lakas ng team ng dalawa kaya’t walang ibig lumaban. Marami kasing natutulungan si Daniel, mga tulong pinansiyal, at bigay-hanapbuhay.

MTRCB Chairman Toto walang pinalalampas

Dapat talagang bantayan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga artistang lumalabas sa daring scenes sa mga teleserye ngayon. Lalo na sa mga eksenang naghahalikan at naghuhubad at nasa primetime pa dahil may mga batang nanonood.

Komento ng isang nanay, hindi naman puwedeng palagi nilang tatakpan ang mga mata ng anak tuwing may maghahalikang bida sa mga napapanood na teleserye.

Kaya saludo kami kay MTRCB Chairman Toto Villareal dahil hindi niya pinalalampas kahit sinong artista kesehodang sikat pa siya. Nakakaalarma kasi na kahit sa pagsasayaw sa stage ay baka may matanggal pa.                                  

 

vuukle comment

AGA MUHLACH

BULACAN VICE GOVERNOR DANIEL FERNANDO

CHAIRMAN TOTO

CHAIRMAN TOTO VILLAREAL

GOVERNOR WILLY ALVARADO

LIWAYWAY

MOVIE AND TELEVISION REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

SANDY TOLENTINO

SHARON CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with