^

Pang Movies

Dingdong inalayan ng award ni Marian

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Naging isang malaking tagumpay ang katatapos na Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press Society (Enpress) dahil star-studded ito at na­ging masigla ang pagdiriwang mula simula hanggang matapos ang awards night.

Maagang dumating si Kris Aquino kung saan nanalo siya para sa outstanding lifestyle program na KrisTV: Palawan and Vigan at bilang lifestyle program host.

Makabuluhan ang sinabi ng special awardees. Si Nova Villa, tumanggap ng Helen Vela Lifetime Achievement Award para sa kategoryang comedy, ay nagsabi na sa 35 years sa showbiz ay nanatili at mana­natili siyang loyal sa ABS-CBN. Si Mel Tiangco naman na awardee sa broadcasting ay nagsabing sa tatlong dekada niya ay nananatiling tapat sa tungkulin lalo na bilang executive vice president ng Kapuso Foundation. At bagama’t wala si Gloria Romero, awardee rin sa lifetime achievement award para sa drama, ay kumatawan naman sa kanya ang anak na si Maritess Gutierrez.

Maikli lang ang acceptance speech ni Eddie Garcia na pinarangalan bilang Dolphy Lifetime Achievement Award-Ulirang Alagad ng Sining kung saan nagpasalamat ito kay Pidol.

Dumating si Richard Yap na kasama ang kanyang misis at sa kabila nun ay marami pa ring kinikilig sa kanya. Tumanggap ang aktor ng award (breakthrough performance by an actor) para sa My Binondo Girl. Nanalo naman para sa Breakthrough Performance by an Actress si Jasmine Curtis-Smith para sa Utol Kong Hoodlum ng TV5 na maganda ang PR skills dahil palabati ito sa lahat ng mga taong kumakausap sa kanya.

Pinaka-highlight ng awards night ay nang tangga­pin ni Marian Rivera na napakaputi sa yellow outfit ang award sa outstanding performance by an actress in a drama series para sa Amaya. Napaiyak ito sa tuwa at nagpahayag ng “Sa pitong taon ko sa showbiz ay ngayon lang ako nakatanggap ng best actress award. Iniaalay ko itong award sa aking pinakamamahal na si Dong (Dingdong Dantes).”

Ano naman kaya ang masasabi ni Maricel Soriano kay Gerald Anderson na nanalo sa outstanding performance by an actor in a drama series para sa Budoy?

vuukle comment

AWARD

BREAKTHROUGH PERFORMANCE

DINGDONG DANTES

DOLPHY LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD-ULIRANG ALAGAD

EDDIE GARCIA

ENTERTAINMENT PRESS SOCIETY

GERALD ANDERSON

GLORIA ROMERO

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with