^

Pang Movies

Gov. Vilma araw-araw ina-update ni Luis sa text

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Proud mama si Governor Vilma Santos-Recto sa achievements ngayon ng anak na si Luis Manzano. Ang isang ikinatutuwa niya sa anak, walang patlang ang araw-araw nilang text upang ibalita ang nangyayari sa career ng aktor.

“Happy ako sa kanya. My son is doing very well. Ang daming ginagawa. Everyday nagti-text kami niyan. ’Pag meron siyang ginagawang commercial, ’pag may taping siya, lagi ko lang pinapaalala, ‘O, anak, behave ha? Keep your feet always on the ground. Pray. Pasalamat ka sa blessings.’

“Kasi hindi lahat blessed ng ganyan. Isang bagay lang talaga ang hahangaan ko sa anak ko. Sobrang professional,” pagmamalaki ni Gov. Vilma kay Luis.

On her side naman, hataw ang shooting niya ng unang indie movie niya na Extra. Sa 10 days na inilaan niya sa project, wala siyang reklamo kahit abutin ng 17 hours ang shooting niya kada schedule.

Bukas, Feb. 12, simula na ang kampanya sa senatoriables. Mula sa kick off ng Liberal Party sa Manila, sa Batangas Capitol ang tungo ng kandidato kaya naman ang pagiging gobernadora naman ang kanyang gagawin. Whole day daw ang affair dahil magkakaroon ng motorcade at sa gabi naman ay ang miting de avance ang magaganap.

Hanggang 2016 pa ang termino ni Gov. Vilma kung sakaling mahahalal muli siya bilang gobernadora. Wala mang matibay-tibay na kalaban, hindi na gaanong kakaba-kaba si Gov. Vilma sa eleksiyon.

“Pero nandoon pa rin siyempre ang pisikal na pagod. Hindi naman puwedeng umupo na lang ako. Mag-iikot pa rin ako sa Batangas dahil mahal ko ang aking constituents!” saad ng gobernadora.

Eh, after ng 2016 elections, ano na ang plano niya?

“Wala. Wala pa akong political agenda. Malayo pa ’yon,” rason ng actress turned politician.

Bakit naman sina Sen. Bong Revilla, Jr. na panlaban ng partidong LAKAS at VP Jojo Binay na ngayon pa lang, tatakbo ng Presidente sa national elections sa 2016?

“Wala, wala pa talaga sa isipan ko ’yan,” diin ni Gov. Vilma sa political career niya.

                                                                       

 

vuukle comment

BATANGAS CAPITOL

BONG REVILLA

GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO

JOJO BINAY

LIBERAL PARTY

LUIS MANZANO

VILMA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with