^

Pang Movies

Frozen delight!

SO CHISMIS ITOH? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Medyo tahimik na si Sarah Lahbati matapos sagutin ng Starstruck V Female Ultimate   via Twitter ang nilabas na official statement ng GMA 7 regarding sa kanyang decision na kunin na co-manager si Annabelle Rama at ang desisyon nilang pamilya na umuwi na lang siya sa Switzerland para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Sa mga tweet nga niya ay hindi niya nagustuhan ang sinasabing inimbestigahan siya dahil sa kanyang walkout sa isang commitment at pinagbabayad siya ng higit sa P500,000 dahil doon.

Ayon pa kay Sarah, nagsimula raw ang lahat ng gulong ito sa career niya nang mag-decline siya na pumirma sa management na ICONS.

Dahil nga sa mga nagong sagot ni Sarah, mukhang mas lalala pa ang sitwasyon niya sa GMA 7. May ilang projects pa naman si Sarah at dahil sa problema niya ngayon, hindi malayong ma-frozen delight siya o hainan ng demanda ng mismong istasyon na nagpakilala sa kanya kung hindi siya makikipag-ayos ng mabuti.

American singer umaming nakikipag-sex sa multo!

Inamin ng singer na si Kesha na isa siyang bisexual. Siya ang American pop singer na nagpasikat ng single na Die Young. Inamin niya sa kanyang interview sa Seventeen magazine na type rin niya ang mga babae tulad nang pagkagusto niya sa mga lalaki.

“I don’t love just men. I love people. It’s not about a gender. It’s just about the spirit that exudes from that other person you’re with,”sabi niya.

Noon pa gustong aminin ni Kesha ang kanyang tunay na damdamin. Pero dahil marami siyang kilalang mga kaibigan na na-bully sa school dahil sa kanilang sexual orientation, nanahimik na lang siya.

I’m all about standing up to gay/lesbian/transgender bullying, but it’s also about my little brother.

May isa pang kakaibang revelation si Kesha. Na minsan ay nagkaroon siya ng isang sexual encounter sa isang paranormal being.

I also have this song called Supernatural. It’s about experiences with the supernatural... but in a sexy way. I had a couple experiences with the supernatural. I don’t know his name! He was a ghost! I’m very open to it,” kontrobersiyal na sabi pa ng singer.

 

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

AYON

DIE YOUNG

INAMIN

KESHA

NIYA

SARAH LAHBATI

SIYA

STARSTRUCK V FEMALE ULTIMATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with