^

Pang Movies

Coco at Julia, walang isyu sa Paris

MASA..RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Kahit marami namang kasama sina Coco Martin at Julia Montes sa pamamasyal sa London at Paris, ginawa nang malaking balita. Hindi naman ito isang honeymoon or lovers trip kaya there was nothing to tell mama about.

Well, kung nag-check in sila sa isang kuwarto, malaking balita na talaga. Kahit siguro isang segundo, wala silang unguarded moment together. Kaya hindi na dapat palakihin ng mga drumbeater ang nasabing simpleng biyahe.

Sophie Albert pinagpupustahan, isang taon lang ang itatagal!

Maraming nagpupustahan inside showbiz na isang taon lang sa eksena ang Artista Academy Best Actress na si Sophie Albert, maglalaho na agad siya sa eksena.

Ang sabi pa ng mga mahadera’t inggitera, kung sisikat si Sophie Albert noon pang nasa Star Ma-gic/ABS-CBN siya, na mukha pang fresh at new talent.

Bakit ba ayaw ninyong bigyan ng chance ang grand winner ng AA? Kapag sumikat siya at tinanghal na big star, kakainin ninyong lahat ang inyong isinuka!

Ang paniwala namin, kung siya ay mabibigyan ng tunay na magandang show na papatok sa viewers malaki ang chance ni Sophie. Pero kung ang mga creative team na lilikha ng palabas para sa kanya ay ang mga gumawa ng mga walang kator-ya-toryang teledrama noon, talagang magbababu na agad si Best Actress!

Malay naman natin kung maging Best Supporting Actress!

Closet gay gagawin ang lahat matikman lang ang poging foreign star

Atat na atat na makilala ng personal ng pamintang aktor ang poging foreign star. Kahit wala naman silang project na gagawin, lahat ng paraan gagawin ng Pinoy na magkaroon sila ng moments together.

Siyete ng mga baklitang handler ng aktor, malaki ang kursunada ng kanilang boss sa banyagang artista. Gagawin niya ang lahat para matikman ang isang foreign ‘‘delicacy’’. Pero ayaw pang lumantad sa liwanag ang hitad. Lalaki o tunay na lalaki raw siya!

Katherine Luna umaasa sa kusang-loob na tulong ni Coco Martin

Mukhang gustong umeksena ni Katherine Luna. Nagsasalita na naman siya tungkol sa anak nila ni Coco Martin.

Kahit magtinda na lang siya ng banana at camote cue, hindi siya hihingi ng suporta from the now rich actor. Gusto ni Katherine, magkusang tumulong si Coco sa kanilang anak.

Kahit naman ilan na ang naging anak ni Coco sa pagkabinata, kayang-kaya na niyang magbigay ng generous support.

Boss ng isang TV network bulag sa mga luho at milyones na gastos ng show na wala namang kuwenta

Dasal ng mga TV industry insider, mapagtuunan na ng pansin ng boss ng isang network ang sobrang budget sa mga palabas na wala namang pumapansin.

Kahit milyones ang expenses sa isang show at tunay na hindi nagre-rate, dahil walang kuwenta, sobrang laki ang budget na hinihingi. Naibibigay naman sa kanya ang lahat ng luho pero hindi naaninag kahit simpleng ganda sa sobrang ginastahang palabas!

Hanggang kailan kaya sila magbubulag-bulagan? Bakit hindi napansin ang over spending ng walang katuturan?

Mga nagrereklamo sa Star Awards walang ebidensiya

Nag-text si Swarding na nagrereklamo na maraming anomalya sa katatapos na Star Awards for TV. Sabi ko sa kanya, mahirap makipagtalo sa taste ng iba. Ayon sa panlasa ng mga voting member, ng club ang mga nagwagi, kaya’t sa ayaw man o sa gusto ninyo, wala na kayong magagawa.

Kung gusto ninyong panalunin ang mga choice ninyo, malaya naman kayong makapagtatayo ng ibang award-giving body.

Mahirap kasing magbintang na wala naman kayong sapat na ebidensiya. Hindi porke’t talunan ang mga manok ninyo, maanomalya na. Kung may sarili kayong mga criteria para magwagi, karapatan ninyong magbigay ng sariling tropeo o gumawa naman ng Starlet Awards.

 

vuukle comment

COCO MARTIN

ISANG

KAHIT

KATHERINE LUNA

NAMAN

SIYA

SOPHIE ALBERT

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with