^

Punto Mo

Flocerfida (361)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“‘YAN po ang bahay ng taong sadya mo, Mam?” sabing magalang ng traysikel drayber.

“Salamat. Magkano?” tanong ni Malou.

“Fifty pesos po Mam.”

Kumuha ng P100 si Malou sa kanyang pitaka at iniabot sa drayber.

Susuklian sana ng drayber si Malou ­subalit pinigil nito.­

“Huwag na. Tip ko na ang P50.”

“Salamat, Mam.”

Tinulungan ng drayber si Malou na maibaba ang maleta at ang isa pang shopping bag. Pagkatapos ay umalis na ang traysikel.

Hinila ni Malou ang maleta palapit sa bakal na gate. Sarado ang gate. Pinagmasdan ni Malou ang bahay. Bungalow. Maganda.

Kinatok ni Malou ang gate.

Maya-maya, lumabas si Kikoy. Nagkunwari si Kikoy na mahina ang katawan. Nakangiti itong lumapit kay Malou.

Binuksan ang gate. Kunwari ay hirap na hirap ito sa pagbubukas ng gate.

Nang mabuksan, pumasok si Malou at niyakap si Kikoy.

“Kikoy!” sabi nito.

Nakangiti si Kikoy at tinapik-tapik sa likod si Malou.

“Kumusta ka Kikoy?”

“Eto medyo malakas na. Halika sa loob,” akmang hihilahin ni Kikoy ang maleta pero sinansala ni Malou.

“Ako na. Baka mabinat ka.”

Hinila ni Malou ang maleta.

Binuksan ni Kikoy ang pinto ng bahay.

“Halika, Malou.”

Pumasok sila sa bahay. (Itutuloy)

FLOCERFIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with