^

Punto Mo

Senate BRC report ­mapi-pendejo ba?

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

NAGIGING maintriga ang hindi pagpirma ng ilang senador sa partial Senate Blue Ribbon Committe report. Sina Sens. Ping Lacson, Bam Aquino, Risa Hontiveros at Kiko Pangilinan pa lamang ang nakapirma.

Lima pa ang kailangang pumirma sa report upang maisulong sa plenaryo upang matalakay at mapagdebatihan kung anong hakbang ang isusunod ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Lacson.

Natural lamang na hindi pirmahan ito ng mga kaalyado ng mga senador na sabit sa nakawan sa DPWH projects na una nang inamin ng mga engineers at opisyales ng DPWH. Mapipindeho ang anumang nararapat na hakbaang ng BRC kapag hindi nakumpleto ang siyam (9) na pirma.

Labing isa (11) ang miyembro ng majority group sa BRC at anim (6) naman mula sa ­minority group. Mula sa NPC si Chiz Escudero na kaanib sa majority group, samantalang si Jinggoy Estrada ay PMP at si Joel Villanueva ay mula sa CIBAC at miyembro ng minority group.

Sa nangyayari ngayon ay hindi malayong pinagdududahan ng taumbayan ang mahaba nilang “pinagsamahan” sa Senado na nagpapalambot sa paglalatag ng hustisya. Masakit naman talagang magsakdal ng kabarong pulitiko lalo’t higit sa kapwa senador kahit magkakaiba sila ng partido. Iba na ang may pinagsamahan!

Kasabay halos ng impeachment proceedings ni VP Sara Duterte ay patuloy ang bembangan ng mga pro BBM at maka-Sara na Socmed Vloggers at trolls na lalong nagpapagulo sa ­usaping pambayan.

Pendejo na lalo ang ekonomiya kapag lumaganap ang giyera sa Asya. Hindi tayo pakakainin ng mga walanghiyang pulitikong male-maletang pera ang ninakaw sa atin.

Lahat ng nangyayaring ito sa bansa natin ay tumutumbok sa 2028 Presidential Election. Kung sino man ang ambisyosong mapapaboran ay maikling panahon na lamang ang naghihintay. Baka drum at cargo containers na pera na ang pag-usapan.

SENATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with