^

Punto Mo

‘Kuwitis’ (Part 3)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG matiyak kong hindi uulan, isinabit ko nang isa-isa ang mga kuwitis. Alambre ang ginawa kong sabitan ng mga kuwitis—mistulang sampayan ng damit na nakatali sa mga puno ng mangga at niyog. Tuwid na tuwid ang sampayan ng kuwitis.

Nang masiguro kong matibay na ang alambre, isa-isa kong isinabit ang mga kuwitis.

Mabilis kong naisabit ang mga kuwitis. Tuwang-tuwa ako habang pinagmamasdan ang mga nakasabit na kuwitis. Noon ay sampung minuto na lamang bago mag-alas dose. Habang pinagmamasdan ko ang mga nakasabit na kuwitis ay naririnig ko ang mga putukan sa paligid. Malalakas ang putok. Karamihan ay mga kuwitis ang pinapuputok at rebentador.

Napangiti ako dahil maya-maya lamang ay kakaibang mga putok ang maririnig ng mga kapitbahay namin. Gugulantangin sila ng mga sunud-sunod na putok. Maaring ngayon lamang sila makakakita ng mga kuwitis na nag-uunahan sa himpapawid.

Limang minuto bago ang alas dose ay inihanda ko na ang pangsindi sa mga kuwitis—isang mahabang sanga ng madre cacao na tuyung-tuyo at pinagbaga ko ang dulo. Mga isang dipa ang haba ng madre cacao. Hindi namamatay ang sindi ng madre cacao kaya sigurado akong walang mintis ang pagsisindi.

Dalawang minuto bago mag-alas dose, sinin­dihan ko na isa-isa ang 100 kuwitis na nakasabit sa alambre. (Itutuloy)

KUWITIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with