^

Punto Mo

Flocerfida (164)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG makatapos mag-impake si Dang ng mga damit at gamit niya, nagluto ito ng kanilang hapunan.

“Tito, kumakain ka ba ng adobong dumalagang manok—adobo po sa gata?” tanong ni Dang.

“Oo naman. ‘Yan ang iniluto ni Lolo Victor mo nang magtungo ako rito nun.”

“Paborito po itong iluto ni Lolo—nakuha ko po ang timpla niya.”

“Masarap din siguro ang adobo mo, Dang.”

“Medyo po.”

“Paano nga pala ang sinasakang bukid ng lolo mo?”

“May ibang tao na po nagsasaka ng lupa. Mula nang manghina si Lolo, ibinigay na niya sa ibang tao ang pagsasaka. Dinadala na lamang dito sa bahay ang kaparteng palay ni Lolo.”

“Ah. So mayroon din kayong suplay ng bigas.”

“Opo. Madalas po, bigas na ang dinadala rito. Hindi na kasi kaya ni Lolo na magpagiling o magpakiskis.”

“Paano ang kaparteng bigas kapag wala nang tao rito?”

“Iti-text ko na lang po ang taong nagsasaka sa gagawin niya.”

“Mabuti naman kung ganun.”

Makalipas ang isang oras, naluto na ang adobong manok sa gata. Napakabango. Nagsandok si Dang ng kanin. Napakabango rin ng kanin.

“Kain na po tayo, Tito.”

Kumain sila.

“Ang sarap ng adobo mo Dang!”

“Salamat po!”

“Nakuha mo ang sekreto ni Lolo Victor sa pagluluto.”

Ngumiti lamang si Dang.

KINABUKASAN, maaga silang nagtungo sa sementeryo. Pagkagaling sa sementeryo, tutuloy na sila sa bus terminal para magtungo sa Maynila.

Taimtim silang nanalangin sa harap ng puntod nina Tatay Victor at Dong.

(Itutuloy)­

DANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with