^

Punto Mo

EDITORYAL - Binabaha kahit may flood control projects

Pang-masa
EDITORYAL - Binabaha kahit may flood control projects

KAMAKALAWA, bumuhos ang malakas na ulan sa Metro Manila na nagdulot nang pagbaha sa ilang lugar particular sa España Blvd., Taft at Araneta Ave­nue. Kahapon, maghapong makulimlim at tigil-hinto ang ulan. May mga lugar ding binaha kahit hindi naman masyadong malakas ang buhos.

Ang problemang baha sa Metro Manila ay hindi na nasolusyunan. Ngayon ay mas matindi sapagkat mabagal bumaba ang tubig. Maaaring may bara ang drainages kaya matagal bumaba ang tubig. Tiyak na single-use- plastic ang nakaharang.

Nakapagtataka na hindi malutas ang baha kahit na may flood control projects na pinopondohan nang ma­laki. Taun-taon kasama sa budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pondo para sa flood control projects. Ngayong 2025, P257 bilyon ang allocated para sa flood control projects.

Noong nakaraang taon, naging malaking isyu ang may kaugnayan sa flood control projects makaraang bahain ang Metro Manila, Bicol Region, Calabarzon dahil sa bagyong Kristine na nag-iwan ng 90 patay at pagkasira nang maraming ari-arian.

Ang budget para sa flood conrol projects noong 2024 ay P255 bilyon. Pero sa kabila na may malaking pondo, binabaha pa rin ang maraming lugar sa bansa.. Dahil sa naranasang baha noong 2024, ipinag-utos ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbusisi sa masterplan para sa flood control hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa. Sabi ni Romualdez, gagamitin nila ang oversight function ng kongreso para alamin kung napupunta ba talaga ang pera na inilalaan taun-taon para sa flood control.

Makalipas ang isang taon, tila wala ring natuklasan ang Kongreso kung saan napupunta ang pondo sapagkat patuloy pa rin ang mapaminsalang pagbaha sa Metro Manila at iba pang bayan. Sa Malabon ay nakararanas ng pagbaha dahil may mga nasirang flood gate na hang­gang ngayon ay hindi pa naisaayos. Tumitindi ang baha kapag high tide.

May mga pumping stations naman sa Metro Manila na hindi pinapalitan sa kabila ng kalumaan. Wala nang kakayahang sumipsip ng baha kaya naman nagmimistulang dagat ang Metro Manila. Paano pa kung magkasunud-sunod ang pagdalaw ng mga bagyo. Sinabi ng PAGASA na 11 hanggang 19 na bagyo ang dadalaw sa bansa sa ikalawang bahagi ng 2025.

Kung tatama ang mga bagyo, tiyak nang babaha sa maraming lugar. Dapat mapaghandaan ito. Pero ang ma­laking katanungan, nagagamit ba nang tama ang pondo para sa flood control projects. Mayroon bang masterplan ang mga ahensiya ng gobyerno sa pagtugon sa mapa­min­salang baha? O wala? Kung wala, aakyat na lamang sa bubong ng bahay ang mga tao para makaligtas sa baha.

FLOOD CONTROL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with